41 - Run-In

2.8K 29 25
                                    

RANDEL:      (mapapatitig kay Cora) A...ano pong ibig niyong sabihin?

CORA:           Wala, wala. Sige na magpahinga ka na.

RANDEL:      Sige po.

CORA:           A, siyanga pala, hijo, tumawag dito kanina si Brenda. Nakauwi na siya, kagabi. Gusto sana niyang pumunta dito kanina e kaso nga wala ka, kaya baka bukas na lang daw.

RANDEL:      Okay po.

CORA:           Ipapatawag na lang kita mamaya para maghapunan.

RANDEL:      Opo.

Pagdating sa kwarto, agad na didiretso si Randel sa banyo para mag-shower. There, maaalala nito ang nangyaring 'accidental kiss' dahilan para mapangiti ito. Matutuwa din ito sa pangyayaring napagkamalan silang mag-asawa pati na rin ang paghawak nito sa kamay ng dalaga sa halos buong oras na inilagi nila sa mall.

Ilang saglit pa, mawawala ang mga ngiti nito dahil sa mga sumunod na nangyari. Tila alingawngaw ngayon sa utak niya ang mga sinabi ng dalaga.

LUANA:         Tandaan mo to Sullivan, lahat ng pananakit mo sa akin, lahat ng ginawa mong pagpapahirap sa akin, lahat ng pagdurusa ko dahil sa yo, bilang ko yon at alam ko lahat ng yon. Babaunin ko silang lahat hanggang sa huli.

Ikaw ang problema ko! Sawang-sawa na ko na makita ka-sawang-sawa na ko diyan sa pagmumukha mo. Sawang-sawa na ko na pakisamahan ka at sumunod sayo na parang tuta. How I wish you were out of my life! How I wish you were dead!

Wala ng effect yang paghingi mo ng sorry dahil immune na ko diyan. Well, salamat sayo. Sa lalim ng sugat na binigay mo sa akin at sa kapal ng peklat na gawa nito, di ko na maramdaman yang sorry mo. Puro kalyo na ang puso ko para diyan.

Mas masama pa sa iniisip mong tingin ko sayo. At kailan man hinding-hindi na magbabago pa kung sino ka sa akin. You're the worst nightmare that ever happened to me, the worst part ever in my life. At gaya ng nasabi ko na, may araw ka din sa akin, makakabawi din ako sayo.

Kung noon natatakot ako na gumawa ng paraan para takasan ka, ngayon hindi na. I'll do whatever it takes, makawala lang ako sayo.

You're such a beast and I'll forever hate you! You're such a beast and I'll forever hate you...you're such a beast and I'll forever hate you...

Tila sirang plakang paulit-ulit ito sa isip niya.

RANDEL:      Aargh!! (furiously hits the wall with his palm)

CORA:           O ayaw mo siyang pakawalan dahil may iba ka pang dahilan maliban sa mga yon?

Alam nito na may tinutumbok ang sinabi ng kinikilalang pangalawang ina.

RANDEL:      What should I do? (leans against the tiled wall and closes his eyes, in his thought) Galit ako sa kanya pero ayoko siyang mawala. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Ayoko.

Samantala...

NEMO:           Uy, anong nangyari sayo?

LUANA:         Medyo nahihilo kasi ako. Napagod siguro ako sa biyahe.

VANGIE:        Napagod o nag-away na naman kayo ni Sir Pogi?

LUANA:         (inis) Pwede ba, Vangie, wag mo na ngang banggitin yong unggoy na yon, lalong sumasama pakiramdam ko e.

VANGIE:        (mangingiti) Sabi ko na nga ba e. Tama ako!

LUANA:         Pwera biro, (dadapa sa kama) napagod talaga ako lalo na tong mga mata ko. Ang tagal ko na din kasing di nakakalabas, ngayon lang ulit kaya di pa sanay tong mga mata ko.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon