80 - The Declaration

503 17 44
                                    


Pagdating sa may kusina, agad na hihila ng upuan ang binata para sa dalaga. Nahihiyang titingin-tingin naman si Luana sa mga naroon bago ito maupo.

RANDEL: What do you want?

LUANA: (pabulong) Pwede ba? You don't have to do this. Ako na ang bahala sa sarili ko.

Tatayo na sana si Luana pero agad siyang pipigilan ni Randel.

RANDEL: Stay there. (sesenyas sa mga naroon)

Agad namang tatalima ang mga kasambahay sa paghain ng mga pagkain. Pagkahain...

RANDEL: Salamat. Sige na, iwan niyo na muna kami. Nemo, pakisabi kay Mamang na bukas na lang niya kausapin si Luana.

NEMO: Yes, Sir.

Agad ding magsisialisan ang lahat ng naroon. Kukunin ni Randel ang serving spoon para ikuha ng makakain si Luana pero pipigilan siya ng huli.

LUANA: Ako na.

RANDEL: No, ako na.

LUANA:           Sinabing ako na e.

Hindi sasagot ang binata. Tititigan lang nito si Luana at tataasan ng kilay.

LUANA:          Hindi na ko kakain.

RANDEL:       At hindi ka rin aalis dito hangga't di ka kumakain.

LUANA:        Aba't--

RANDEL:       Here, ubusin mo lahat ng to.

LUANA: Haist! Alam mo ikaw...bibingo ka na talaga sa akin.

RANDEL:        Bibingo? Saan? Sa puso mo? Aba, maganda yan. Gusto ko yan.

LUANA:         Ang ka-pal talaga! Asa ka pa.

Mangingiting magpapatuloy lang sa ginagawa si Randel.

LUANA:         Teka...enough na. Ang dami na.

RANDEL: Anong madami? Konti pa nga to e. Gusto ko magkalaman-laman ka naman kahit konti.

LUANA: A-no?!

RANDEL: Gusto ko, kumain kang mabuti para malakas ka lagi at malayo sa sakit.

LUANA: Teka...kailangan talaga may litanya? Ano ka, tatay ko?

RANDEL: I just wanna remind you na gusto ko alagaan mo lagi ang sarili mo para di na ko mag-alala sayo.

LUANA:         Tss! Whatever! (rolls eyes)

Pagkatapos malagyan ang plato ng dalaga...

RANDEL: O, kain na.

LUANA: Wala na kong gana.

RANDEL: Talaga? Gusto mo subuan kita? (kukunin nito ang kutsara't tinidor ng dalaga)

Mapapatingin ng masama si Luana kay Randel at inis na babawiin ang mga nasabing gamit.

RANDEL: (smirks) Good.

Tahimik lang na magsisimulang kakain si Luana.

RANDEL: Kung gusto mong may baguhin dun sa room mo, just tell—

LUANA: (ibababa ang mga hawak na kubyertos) Gusto mo ba kong makakain o gusto mong mawalan na ko ng gana ng tuluyan?

RANDEL: Okay. Sorry. Kumain ka na.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon