Habang ipine-prepare ang mga gagamitin...
CORA: Saan ka natutong magluto ng ginataang monggo?
LUANA: Sa Nanay Helen ko po. Isa po yon sa mga paborito namin ng kapatid ko. Kapag po magluluto na siya, binabanggit niya yong bawat step na ginagawa niya tsaka yong sahog na ilalagay niya. At madalas kami ng kapatid ko yong pinagka-crack niya ng mga tustadong monggo kaya kahit papaano, may participation din kami, hindi lang puro kain.
Nakatitig lang si Randel sa dalaga, amazed at amused sa kwento nito.
CORA: Ang galing naman.
LUANA: Opo mamang, magaling talaga kaming kumain. (bahagyang matatawa) Maski si Lander po, favorite din niya po ang ginataang monggo.
By then, mawawala ang mga ngiti ni Randel at mapapalitan ng tila pagkainis.
LUANA: Nung dumating po siya sa amin, siya na ang pumalit kay Badong na makakasama ko sa pag-crack. At hindi lang po yon dahil hindi nagtagal siya na rin po mismo yong nangtutusta ng mga monggo kaya tuwang-tuwa sa kanya si Nanay. Minsan nga po dumating sila William at Clarence, hayon, nagpakitang gilas—siya mismo ang gumawa ng lahat.
CORA: Kumusta naman ang kinalabasan? Masarap naman ba?
LUANA: Super, mamang! Nakakabilib nga po kasi first time lang niyang gumawa nun tapos ganun na kasarap agad. Baka nga po mas masarap pa yon kesa dito sa lulutuin ko e. First time ko din po kasi tong gagawin. Ibig sabihin, trial and error lang po to.
CORA: Hay naku. Basta ako, tiwala ako na magiging super sarap nyang lulutuin mo. Isipin mo na lang, andito ang Nanay Hele—(matitigilan ito at mapapatingin kay Randel)
LUANA: Ganun na nga po ang gagawin ko. Hay...kumusta na kaya po sila? (susulyap ng masama kay Randel)
CORA: Sigurado ako, nasa mabuti silang kalagayan.
LUANA: Sana nga po. Dahil pag nalaman ko na may masamang nangyari isa man sa kanila, hindi ko po matatanggap yon.
Hindi makakaimik ang binata; magbababa lang to ng tingin.
CORA: (sapo ang tiyan) Aray!
RANDEL & LUANA: Mamang, bakit po? Ano pong nangyayari sa inyo?
CORA: Parang sira ata tong tiyan ko. (mapapangiwi) Aguuuy!
RANDEL & LUANA: Po? Ano po bang nakain niyo?
CORA: Wala naman, yong almusal lang kanina.
LUANA: Hala! Mabuti pa po pumanhik na lang muna kayo sa kwarto niyo tas ipahinga niyo na lang po. Kaya ko na po dito.
CORA: Sigurado ka, anak?
LUANA: Opo. Sige na po.
CORA: Mas maigi nga ata na pumanhik na ko dun tsaka ilabas na rin to.
RANDEL: Agree ako diyan mamang. Baka naman po kasi binaby niyo na yan ng ilang araw. (sabay tawa)
CORA: Heh! Bastos na batang to. Pingutin kita diyan e.
RANDEL: Sige na po, baka abutan pa kayo dito. Ako na pong tutulong sa kanya (sabay lingon kay Luana).
LUANA: Anong tutulong? Samahan mo si mamang sa taas at asikasuhin mo siya coz in the first place, hindi kita kailangan dito. Kaya kong mag-isa.
CORA: Ay, wag na, hija. Kaya ko rin namang mag-isa. Mas maganda nga siguro na dito na lang tong si Randel ng may kasama ka dito. Pwede mo ring utusan yan kung gusto mo.
