After a while...LANDER: (ihaharap ang dalaga sa kanya at papahirin ang mga luha nito) I hope ito na ang huling pagkakataon na makita kitang umiiyak. Pwede ba yon? Pwede mo ba kong pagbigyan?
Hindi iimik ang dalaga. Tutungo lang ito.
LANDER: Please?
Luana lifts her head up, leveled to his as if nakikita niya ito, as if nakatitig siya dito.
LANDER: (reaches for her face and caresses her cheek with his thumb) I want you to promise me na ito na ang huling pagkakataon na makita kitang umiiyak.
Tango lang ang isasagot ng dalaga.
LANDER: (mangingiti) O, ba't na-mute ka na? Wala man lang bang Yes, No, Maybe? Ganito ba talaga pag umiiyak ka, umuurong ang dila mo?
LUANA: (maningiti) Ewan ko sayo. (tatanggalin ang kamay ng binata sa mukha)
LANDER: Ayan...gusto ko lagi kang ganyan. Sana lagi kang ganyan, nakangiti o di kaya nakatawa.
LUANA: Kahit walang dahilan? E di mukha naman akong baliw nun.
LANDER: Okay lang, maganda naman.
LUANA: Tss! Ayan ka na naman e. Puro ka kalokohan.
LANDER: Bakit? Totoo naman a.
LUANA: Ay ewan. Bolahin mong lelang mo.
LANDER: Ang cute mo talaga pag nagsusungit. (sabay pisil sa pisngi ni Luana)
LUANA: Aray! Ikaw! Nanggigigil ka na naman a.
LANDER: Well, you can't blame me. Ikaw ba naman ang may makaharap na super cute kagaya mo. Tingnan ko lang kung di ka manggigil.
Biglang magseseryoso si Luana na ikakukunot naman ng noo ni Lander.
LANDER: O, bakit na naman? Hindi ako nagbibiro. Totoo lahat ng sinasabi ko.
LUANA: Lander...
LANDER: Hmm?
LUANA: (lifts her hands to his face and cups it) Thank you so much. Thank you for loving me and for accepting me for who I am.
LANDER: (mapapangiti, kukunin nito ang mga kamay ng dalaga at hahagkan ang mga ito) Ako dapat ang nagsasabi niyan sayo. Thank you, for accepting my love, I mean, ako, sa buhay mo. You've no idea kung gaano mo ko napapasaya every time na kasama kita, na nakikita kita na masaya. And remember always, I've loved you, I love you and I'll always love you for who you are, at hindi na yon magbabago. Kung sa akala nila, isa akong tanga na piliing pagsilbihan ka, then, ako na siguro ang pinakamasayang tanga sa buong mundo.
LUANA: Asus...totoo ba yan? (ito naman ang pipisil sa pisngi ng binata)
LANDER: Naman! Kaya sagutin mo na ko, please? (hawak-hawak pa rin nito ang mga kamay ni Luana at tila tuwang-tuwang pinaglalaro niya ang mga ito sa kanyang mukha)
LUANA: Hala! Biglang may ganun talaga? Ikaw ha, pasimple ka pa a, babanat ka lang pala.
LANDER: Ba't kasi ayaw mo pa kong sagutin?
LUANA: Ano, agad-agad? Aba! Siniswerte ka!
LANDER: E yon lang naman ang kulang sa atin e. Yong pormal mong 'oo'.
LUANA: Aba! Ang kapaaaal! (sabay supalpal sa mukha ni Lander)
LANDER: Seryoso ako. Sagutin mo na ako. We've known each other for quite a time. Tsaka di na tayo mga bagets para sa cheesy ligawan at pa-MU-MU na yan no.