VANGIE: Luana...LUANA: Pagkatapos ng nangyari kagabi, he still expects me na pupuntahan ko siya? Sobrang kapal talaga ng mukha niya. Manigas siya! Hayaan niyo siyang maghintay sa wala.
NEMO: (nag-aalala) Pero girl, malalagot ka na naman nito e. Iba pa naman yon pag nagalit. Isipin mo na lang yong ginawa niya sayo kagabi.
LUANA: (inis) Wag mo na ngang ipaalala yon. Lalo lang nasisira araw ko e.
NEMO: Sensya na, pero...kami talaga tong kinakabahan para sayo e.
LUANA: Salamat sa pag-aalala pero wag niyo na kong intindihin. Kaya ko ang sarili ko. And I'll make sure na di na mauulit yong nangyari kagabi.
VANGIE: Bahala ka na nga. Ang tigas ng ulo.
LUANA: Sige na, iwan niyo na ko dito. Baka pati kayo masita pa. Magkibit-balikat na lang kayo pag nagtanong siya tungkol sa akin.
NEMO: Baliw! Gusto mong mawalan kami ng trabaho? Hindi ka rin sutil no?
Mapapangiti lang ang dalaga.
NEMO: O siya, sige. Maiwan ka muna namin dito. Goodluck sa pagsasampay. Chika–chika na lang mamaya pag may time.
LUANA: Sureness!
VANGIE: Teka, sandali.
NEMO: Bakit?
VANGIE: (kay Luana) Ganda, wala ka ba talagang balak kumain? Hindi ka pa nag-aalmusal.
LUANA: Mamaya na lang, wala pa 'kong gana e. Sabay ko na lang sa lunch. Salamat.
VANGIE: Basta pag nagutom ka, sabihan mo lang kami, ipaghahanda ka namin.
NEMO: Yes, anytime.
LUANA: Awww...(ngiting-ngiti) Salamat. Hulog talaga kayo ng langit.
NEMO: Hulog ng langit? Hindi naman. Pero itong si Vangie sure na sure ako, hulog talaga 'to ng langit.
VANGIE: Talaga? (mukhang flattered)
NEMO: Oo, friend. Hulog ka ng langit. Alam mo kung bakit?
VANGIE: Dahil mabait ako?
NEMO: Hindi lang yon.
VANGIE: Ano pa?
NEMO: Kasi......bawal ka dun! No pets allowed daw! (sapay karipas ng takbo)
VANGIE: Walanghiya ka talaga, Maximo! Bumalik ka dito! Kukurutin talaga kita sa singit ng pinong-pino! (sabay habol sa kaibigan)
Natatawa namang maiiwan si Luana.
Pagkatapos magsampay ni Luana, magpapasya itong dumiretso muna sa kwarto nila para makapagpahinga ng konti. Ibabalik muna nito ang dala-dalang laundry baskets sa may labahan. On her way, magugulat na lamang ito sa makikita.
RANDEL: Mabuti naman at tapos ka na.
He's leaning against the wall with crossed arms. Lilingunin lang siya ng dalaga at titingnan ng masama, iirapan at wala ni isang salitang magpapatuloy ulit ito sa paglalakad.
RANDEL: (lalapitan at sasabayan sa paglalakad ang dalaga) Kinakausap kita, wag kang bastos!
Tuloy pa rin si Luana sa paglalakad na tila ba walang narinig. Pissed, he grasps her by her arm at pilit na ihaharap ito sa kanya.