7 - Confession

4.6K 51 18
                                        

                   
LUANA:         Sorry? Saan? Ba't ka nagso-sorry?

LANDER:      Nang dahil sa akin, naalala mo na naman ang parents mo.

LUANA:         Okay lang yon, ano ka ba? Maganda nga din yon na kahit paminsan-minsan maalala ko sila.  Part pa rin naman sila ng buhay ko.

LANDER:      Miss na miss mo na siguro sila, no?

LUANA:         Oo naman.

LANDER:      Pareho pala tayo.

LUANA:          Ba't di mo sila puntahan? Or sila papuntahin mo dito.

LANDER:      Hindi pwede. I mean...malayo kasi sila. And medyo may edad na rin sila; medyo nahihirapan na silang bumiyahe.

LUANA:         You mean nasa ibang bansa parents mo?

LANDER:      Ganun na nga.

LUANA:         May pera ka naman e. Bisitahin mo sila.

LANDER:      Kung ganun lang sana kadali.

LUANA:         Anong mahirap dun? E eroplano lang naman katapat nun.

LANDER:      Basta, mahirap ipaliwanag. Pero siguro, soon, magkikita-kita na kami ulit.

LUANA:         E di maganda. I'm sure miss na miss ka na rin nila.

Biglang matatahimik si Lander. Guilt's now eating him dahil sa lahat ng kasinungalingang sinabi nito tungkol sa kanyang mga magulang. Matagal ng patay ang mga ito. His mom died the day he and his twin brother were born. And kamakailan lang, yumao na din ang kanilang ama dahil sa kanyang karamdaman.

LANDER:      (in his thoughts) I'm sorry Luana for all these lies.

LUANA:         E ikaw, marunong ka bang lumangoy?

LANDER:      Oo naman. Pero hindi na ko pwedeng lumangoy ngayon.

LUANA:         Don't tell me di mo pa rin nata-try lumangoy diyan sa dagat since dumating ka dito?

LANDER:      Parang ganun na nga.

LUANA:         Bakit naman?

LANDER:      It's a long story din e.

LUANA:          Ang daya naman. That's my line. Kwento na.

LANDER:      Lamigin kasi ako.

LUANA:         Yon lang?

LANDER:      Oo. Tas ang bilis kong sipunin. At pag sinipon ako, matagal mawala, matagal gumaling.

LUANA:         Psh! Takot kang malamigan? Ano ba yan? Parang bata. Uhugin pa. (chuckles)

LANDER:      Sige, mang-asar ka pa, sige pa.

LUANA:         So, that means, di mo rin pala ako maliligtas, just in case, lamunin ako ng dagat.

LANDER:      A...ibang usapan naman yon, basta ikaw, gagawin ko lahat, maligtas ka lang. Kahit ikamatay ko pa.

Biglang mapapalingon si Luana sa kinauupuan ni Lander dahil sa narinig.

LUANA:         Tss! Ano bang pinagsasasabi mo? Para kang sira.

LANDER:      Seryoso ako. (mapapatitig ito sa mukha ng dalaga)

LUANA:         Pwede ba, Lander, para ka talagang ewan. Tumigil ka nga.

For the first time, she feels awkwardness between them lalo na ng maramdaman nito ang paggagap sa kaniyang kamay ng binata. She tries to take her hand back pero mahigpit ang magiging paghawak dito ni Lander.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon