112 - Officially Mine

413 12 21
                                        


RANDEL:      Po?

HELEN:         (lilingon sa may kanan kung saan naroon si Luana, nakasandal sa pader) Luana...

Wala namang magawa si Luana kundi ang sumunod at lumapit ito sa ina.

RANDEL:      Di...dito po siya matutulog?

HELEN:         Aba, natural! Mag-asawa na kayo.

RANDEL:      Sigurado po ba kayo?

LUANA:         Ba't ba ang dami mong tanong? Hindi ka ba nakikinig? Sinabi na ngang—

HELEN:         Luana...

LUANA:         Kung ayaw po niya wag pilitin.

RANDEL:      Sinong may sabi? Naninigurado lang ako no.

LUANA:         Tss!

HELEN:         E kung ganun e...sige na 'nak. Pumasok ka na.

LUANA:         Nay, pwedeng bukas na lang po?

HELEN:         Hindi!

LUANA:         Nay...

HELEN:         Hay, naku, Luana, tigilan mo nga ako. Sige na. (sabay halik sa ulo ng anak) Randel, pinauubaya ko na siya sayo. Ikaw na ang bahala sa kanya ha. Sabihan mo ko pag ito pumuslit at lumipat ng ibang kwarto. Makukurot ko talaga to sa singit.

LUANA:         Nay! (ramdam nito ang pagkapahiya at pamumula ng mukha)

HELEN:         At walang matutulog sa sofa o di kaya sa sahig.

RANDEL:      (mangingiti) Opo. Tatandaan po namin yan. Wala po kayong dapat na ipag-alala. (kay Luana ang tingin) Di ba, mahal?

She'll just give him a sullen look and makes face.

HELEN:         O, sige na, magpahinga na kayo.

RANDEL:      Goodnight po, Nay.

HELEN:         Goodnight din.

Pagkasara ng pinto...

HELEN:         Sorry, anak, kailangan kong gawin to. Kailangan mo ng masanay na ang asawa mo ang kasama mo. Siya na ang nagmamay-ari sayo ngayon kaya nararapat lang na sa kanya ka. At mabuti na rin to...baka sakaling makatulong to para mahulog ka na rin sa kanya.

Samantala...

RANDEL:      (mauupo sa may gilid ng kama) Tara na, magpahinga na tayo.

Hindi sasagot si Luana. Nakatayo lang ito pasandal sa pader.

RANDEL:      Hey, don't tell me, matutulog kang nakatayo diyan?

LUANA:         Huh! Patawa ka.

RANDEL:      Lika na kung ganun. Saan mo gusto, left or right side?

LUANA:         Sa gitna. Kaya tumayo ka na diyan. Doon ka sa sofa.

RANDEL:      What? Teka, baka nakakalimutan mo yong sinabi ni Nay Helen. Ang linaw-linaw pa naman ng pagkasabi niya. Walang matutulog sa sofa o di kaya—

LUANA:         I'm sure naman di mo sasabihin sa kanya, di ba? Ayaw mo naman sigurong galitin ako. Remember... (sabay ngiti at tingin sa tiyan)

RANDEL:      Mahal naman. Ang laki-laki nitong kama tas sa sofa ako matutulog?

LUANA:         Ayaw mo sa sofa? E di sige. Diyan ka sa sahig.

RANDEL:      Mahal—

LUANA:         Shut up!

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon