94 - His Private Nurse

312 11 43
                                        


LUANA: Ano ba? (tatanggalin ulit ang kamay ng binata ta haharapin ito) Hoy, pinapapaalala ko lang sayo ha, di ba sabi ko sayo, wag mo kong bubuwisitin?

RANDEL: Hindi naman kita binubuwisit a. Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan. Gusto ko lang talaga ng aalalay sa akin.

LUANA: (crosses her arms) A ganun, gusto mo ng aalalay sayo? Bakit? Nasa paa mo ba ang pilay at sugat mo? Wag ka ngang OA. Tsaka anong alalay makukuha mo sa paghawak sa akin, aber?

RANDEL: E di ikaw humawak sa akin kung yon ang mas maganda. (sabay ngiti)

LUANA: Haist! Ikaw, tigil-tigilan mo ko ha. Dahil pag ako nasagad sayo, magiging permanent yang pilay mo. And by the way, kung gusto mo ng aalalay sayo, ayon si Nemo, tawagin mo. (sabay talikod)

RANDEL: Uy, teka, sandali. (nakangiting susundan ulit ang dalaga)

Sa veranda...

RANDEL: Mauna ka na munang kumain.

LUANA: E di ba, magti-take ka pa ng gamot?

RANDEL: Oo.

LUANA: E di ikaw munang mauna.

RANDEL: No. Ikaw na muna. Hindi pa naman ako masyadong gutom e.

LUANA: E di dapat pala pinasabay mo na lang ako sa kanila.

RANDEL: E sa gusto kong makasama kita.

LUANA: Tss! (rolls eyes)

RANDEL: Sige na, kumain ka na. Tatawagan ko lang muna si Norman at kakamustahin sila dun. (sabay tayo)

LUANA: Okay, fine. (magsisimula na itong kumain)

Pagkabalik ni Randel...

RANDEL: Tapos ka na agad?

LUANA: Wala kasi akong masyadong gana.

RANDEL: Dahil ba yan sa pag-aalala mo sa akin?

LUANA: Gusto mong makakain?

RANDEL: Joke lang. O sige na...ahhh (sabay nganga)

LUANA: Haist!

Pagkatapos kumain at makapag-take ng gamot si Randel...

RANDEL: I wanna take a bath.

LUANA: So? (iaayos nito ang pinagkainan sa tray na naroon) Di maligo ka.

RANDEL: E paano ko magagawa yon kung...(sabay tingin sa magkabilang braso) ganito ako?

LUANA: Ewan ko. Bahala ka. Katawan mo yan, kaya problema mo yan.

RANDEL: Luana naman...

LUANA: May tub naman di ba? Naigagalaw mo naman ng konti yang kanang braso mo. So, anong mahirap dun? Punuin mo lang ng tubig yong tub. Lagyan mo ng sabon o di kaya bath bomb. Pabulain mo then, yon na! Isawsaw mo na yang sarili mo. Kahit magbabad ka pa hanggang bukas.

RANDEL: E paano tong ulo ko? Tsaka likod ko din.

LUANA: Anong paano ang ulo mo? Bakit, di ba kaya ng kanang kamay mo ang mag-shampoo?

RANDEL: Parang ang hirap naman nun. Ang kirot kaya pag tinataas ko siya.

LUANA: Anong mahirap dun? Hoy, tigilan mo nga ako sa mga ka-OA-an mo. Kanina ka pa ha. Ngayon, kung problema mo talaga yang ulo mo, ipa-shave mo! Tapos, yang likod mo, madali lang yan. Lagyan mo ng bleach yong pampaligo mo. For sure, lusaw lahat ng libag mo—hindi lang sa likod, kundi buong katawan mo pa.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon