NEMO: O, bakit? Anong nangyari? Ba't ganyang ang hitsura mo?VANGIE: Nemo...si Luana.
NEMO: Bakit, anong nangyari kay Luana?
VANGIE: Si Luana...wala siya dun.
NEMO: Anong wala siya dun?
VANGIE: Nawawala siya.
NEMO: Ano?! Anong nawawala?
VANGIE: Wala na siya sa loob.
NEMO: Sigurado ka? (biglang papasok sa nasabing lugar) Luana?
VANGIE: Na-check ko na lahat. Wala talaga siya.
Pagkalabas ng dalawa...
NEMO: Ngayon alam ko na kung ba't bigla na lang siyang nag-ayang lumabas. May balak siyang tumakas at....at natakasan nga niya tayo.
VANGIE: A-anong gagawin natin? Siguradong lagot tayo nito kay Sir Del.
Samantala, habang naglalakad sa may parking lot...
Mararamdaman ni Luana na tila may nakasunod sa kanya kaya bibilisan pa nito ang paglalakad. Ilalabas ulit nito ang phone na dala.
LUANA: Saan na kayo?
LALAKI: Kita ka na namin. Diyan ka lang sa kinaroroonan mo.
Then, isang itim na kotse ang tatapat sa kanya at magbubukas ng pinto.
LALAKI: Luana?
LUANA: Ako nga.
LALAKI: Tara na. Sakay na.
Bigla namang makakaramdam ng kaba ang dalaga pagkakita sa lalaking nasa passenger's seat. Mapapaatras ito.
LALAKI: Ano? Tara na!
LUANA: (maiiling) Ayoko.
LALAKI: (galit) Tara na sabi.
LUANA: No!
At bago pa makababa ng sasakyan ang naturang lalaki, agad ng makakatakbo papalayo si Luana.
LALAKI: Tang-ina! Igilid mo ang kotse, hahabulin ko lang siya.
Pagkababa ng lalaki sa sasakyan para sana habulin si Luana, dalawang lalaki ang lalapit dito at uundayan ito ng suntok. Bababa na rin sana ang driver ng sasakyan para tumakas pero isang lalaki naman ang lalapit dito at dadagukan siya ng malakas dahilan para mawalan ito ng malay.
Pagkatapos...
LALAKI: Boss, nasa amin na sila.
BOSS: Okay, dalhin niyo na sila dun. Kita-kita na lang tayo dun. Si Luana?
LALAKI: Yong mga kasama ko na po ang bahala sa kanya.
BOSS: Sige. Sabihan mo sila na dalhin din si Luana dun.
LALAKI: Yes, boss.
BOSS: At pinapaalala ko lang. Wag na wag niyong masaktan si Luana. Naintindihan niyo ba?
LALAKI: Opo, boss.
Samantala...
Mabilis na makakaalis si Luana sa nasabing parking lot. Pagkarating sa may labasan, agad itong magtatawag ng traysikel.
LUANA: Manong, sa terminal ng bus po tayo.
DRIVER: Ay pasensya na po Miss, pero di po doon ang routa ko. Malayo po yon kasi. Sakay na lang po kayo ng jeep doon sa may kanto o di kaya mag-antay na lang po kayo ng nadaang taxi.
![](https://img.wattpad.com/cover/3060453-288-k268569.jpg)