31 - Concerned or Smitten?

3.5K 30 30
                                        

                   
Insetead of an answer, kukunin ni Randel ang ilang pirasong T-shirt at face towel sa ibabaw ng desk at ihahagis ito sa dalaga.

LUANA:         Ano tong mga to?

RANDEL:      Bulag ka ba?

LUANA:         Kanino tong mga to?

RANDEL:      Sa akin.

LUANA:         Para saan tong mga to?

RANDEL:      E di ba nga, nagrereklamo ka na yon lang yong damit na nagkasya sayo kanina, na wala ka nang iba pang maisuot?

LUANA:         Excuse me! Wala akong sinabing ganyan.

RANDEL:      Yon yong implication ng pagkasabi mo sa akin.

LUANA:         Psh! Sa pagkakaalam ko, ikaw tong ang daming satsat dahil dun. (rolls her eyes)

RANDEL:      Sinabi ko lang naman na mas mabuti kung—

LUANA:         (butts in) So binibigay mo to sa akin, ganun?

RANDEL:      Bakit, pag siningil ba kita, may pambayad ka?

LUANA:         At anong gusto mong gawin ko ngayon, magpasalamat sayo? Tss! In your dreams! Sayo na lang to. (ihahagis pabalik ang mga damit sa binata) Tsaka ba't ko isusuot yang mga yan? Ginamit mo na, tas gagamitin ko? Yuck!

RANDEL:      So anong gusto mong mangyari ngayon, isuot uli yong sinuot mo kanina? Para ano? Para maakit mo lahat ng nagdadaan dun? Para makuha mo yong attention nilang lahat? Para pagpantasyahan ka nilang lahat? Sabagay doon ka naman magaling.

Luana's anger flares up upon hearing his words pero magagawa pa rin nitong kontrolin ang sarili.

LUANA:         Kung wala ka ng ibang sasabihin, aalis na ko. (matalim ang mga matang nakatingin kay Randel)

RANDEL:      Then, go.......and take these. (ihahagis uli nito ang mga nasabing suotin sa dalaga) Sumunod ka na lang para walang problema. At isa pa, fyi, bago lahat ng mga yan—hindi pa gamit.

Isang matalim lang na irap ang ibabato ni Luana sa binata bago nito lisanin ang lugar na yon.

RANDEL:      You're welcome! (sabay tawa ng marahan) Fierce! (smirks)

Sa kwarto nila Vangie at Mia...

NEMO:           Ano yan? Ba't may dala kang mga T-Shirt at face towel? Saan galing yang mga yan?

LUANA:         (walang ganang sasagot) Saan pa nga ba, e di sa unggoy na yon. (sabay hagis sa mga nasabing bagay sa ibabaw ng kama)

VANGIE:        Ha? Binigyan ka ni Sir ng masusuot? Bakit?

LUANA:         Ayaw niya kasi yong suot ko kanina.

NEMO:           Ano bang suot mo? Naka-two-piece ka lang ba?

LUANA:         Si Vangie na lang ang tanungin mo. (sabay higa sa kama) Hay, sumasakit talaga ulo ko pag nakikita ko yong kumag na yon. (sabay masahe sa sentido)

Titingin naman si Nemo kay Vangie, maghihintay ng sagot.

VANGIE:        (ngiting-ngiti) Hay naku, teh, sayang di mo nakita hitsura ni Luana kanina. Bongga ang babaita!

NEMO:           (excited) Talaga? Ano ngang suot niya? Anong hitsura?

Then Vangie starts to describe Luana.

NEMO:           Talaga? Ba't di mo ko tinawag? E di sana pati makeup na rin. I'm sure pati mga kabayo mai-in love sayo, girl. (sabay lingon kay Luana)

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon