54 - Permission

1.6K 38 23
                                        


BRENDA:      (biglang papatayin ang phone at lilingon) Ku...kuya! Ka...kanina ka pa diyan?

BRENT:         Hindi naman. Teka, sagutin mo yong tanong ko. Anong nangyari kay Luana? Bakit kailangan siyang bantayan?

BRENDA:      A...e...kasi...ano...

BRENT:         (squints) Kasi ano?

BRENDA:      Kasi...muntik na siyang malunod.

BRENT:         What?! Paanong nangyari yon? Kumusta na siya ngayon?

BRENDA:      Okay na daw siya. Nadala na siya sa hospital at nakauwi na rin.

BRENT:         (worry's all over his face) Paanong muntik ng malunod? Hindi ba siya marunong lumangoy?

BRENDA:      Malamang di ba? Hindi naman yon mangyayari kung marunong siyang lumangoy.

BRENT:         Nagtatanong ako ng maayos. Sana naman maayos din ang sagot mo.

BRENDA:      Ba't ba kasi ang dami mong tanong? Kung gusto mo, e di puntahan mo siya dun para ikaw mismo ang makaaalam ng sagot sa mga tanong mo. (aalis)

BRENT:         Aba't—haist!

Nang makalayo...

BRENDA:      At ngayon, pati kapatid ko na rin malakas ang tama sa yo. Ang tindi mong babae ka. Pero sige lang, makakaisip din ako ng paraan kung paano kita madidispatsa para tuluyan ka ng mawala sa landas naming lahat.

The next day...

Hindi muna isasama ni Randel si Luana sa farm. Pero half day lang din ito magsi-stay doon. And before noon, he decides to go home only to see Luana and Brent happily having a chat at the garden set.

RANDEL:       Anong ginagawa ng mokong na to dito? Ba't di niya ko sinabihan na pupunta siya dito? Ano, surpresa na naman o talagang tinaon niya na wala ako para masolo niya si Luana? Haist! (lalapitan ang dalawa, pilit na ngingiti) Pare, you're here!

BRENT:         Yeah! Pasensya na kung hindi na kita nasabihan.

RANDEL:      (in his mind) Hindi nasabihan or talagang sinadya mong hindi ako sabihan? (manipis ang ngiti) Okay lang. Nakakaabala ba ako? (sabay sulyap kay Luana)

BRENT:         Hindi naman. Actually, inaantay din kita 'cause I've got something to tell you.

RANDEL:      What about?

BRENT:         About her. (nakangiting titingin kay Luana)

RANDEL:      Wha...what about her? (mapapatingin din ito kay Luana, trying not to show any unusual emotion)

BRENT:         Maupo muna tayo.

Randel sits opposite Luana.

BRENT:         Ganito kasi yon. I've heard what happened yesterday and I'm really sorry for her. Sabi ko sa kanya, hindi sana nangyari yon if marunong lang siyang lumangoy. And, it's not too late pa naman for her para matuto.

RANDEL:      (slightly frowns) What do you mean by that?

BRENT:         I suggest na mag-take siya ng swimming lessons.

RANDEL:      Swimming lessons?

BRENT:         Yup! And ako ang magiging trainer niya.

RANDEL:      Seryoso? (the lines on his forehead became deeper, in his mind) Sinasabi ko na nga ba, may binabalak tong mokong na to. He's clearly taking advantage of the situation.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon