Matagal na minasdan ni Maria ang sarili sa salamin matapos dumuwal. Napahaplos siya sa kaniyang tiyan.
"Wala ka rin bang kikilalaning ama?-- I'm sorry mga anak ko.. napakalaki ng ginawa kong kasalanan sa ama ninyo. At lalo na sa inyo dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maamin sa kaniya na dalawa na kayo ni Jeziah na mga anak namin.." sa isip ni Maria habang panay ang paglabas ng mga luha niya.
Nataranta sina Aileen at Delia sa sigaw ng Nurse na nagbabantay sa kwarto ng Lola ni Maria. Isinisigaw nitong nagkamalay na ang pasyente. Narinig din ito ni Maria kaya naman lumabas siya ng CR para puntahan ang kwarto ng Lola. Lahat silang naroon ay awtomatikong napatakbo sa kwarto ng matanda.
Dumating naman si Luis sa mansyon nang mga oras na iyon.
Tahimik lamang si Lea na sumusunod kay Greg nang makarating sila sa hotel na alam niyang pagmamay ari ng grandpa ni Greg.
Paulit ulit sa isip niya ang mga sinabi ni Greg bago sila nakarating dito. Kinakabahan siya pero may kung anong pananabik sa puso niya.
Huminto si Greg sa tapat ng pinto kung saan naroon ang anak niya. Huminga nang malalim at inirelaks ang isip."We're here.. " sambit niya.
Kumatok siya at ilang minuto ay may nagbukas na Isang babae na nakauniporme na gaya ng mga uniporme ng mga nasa loob ng hotel. Bumati nang magalang ang babae.
"Pakihanda mo ang mga gamit ni Jeziah dahil aalis kami??" agad niyang utos Dito.
"Yes sir, napaka aga nga po niyang gumising. Siguro alam niyang darating po kayo." sabi ng babae.
Napangiti lang si Greg.
Narinig ito ni Lea at nagtataka. Niyaya siyang pumasok ni Greg.
"I'll give you time for him. Sasaglit lang ako kay Grace. Gusto ko siyang kumustahin.." tugon ni Greg pero hindi nito matitigan si Lea sa mata.
Tumango si Lea.
"Kaya mo bang magdrive pa anak?" pag aalala nito.
"Yong Isa sa mga driver ng hotel.. siya muna ang isasama ko ngayon. " Pagpapaalam niya para hindi na Ito mag alala pa sa kaniya.
Napangiti si Lea dahil napanatag ang loob niya. Matapos magsalita ni Greg ay nauna na itong buksan ang pinto ng kwarto. Sumunod lamang siya.
"Jeziah, anak.. papa is here!!" tuwang sabi ni Greg nang tuluyang makapasok ito sa kwarto.
Nang marinig Naman ng bata ang boses ni Greg ay binitawan nito ang hawak na bola.
Mabilis itong lumapit kay Greg. Niyakap naman nang mahigpit ito ni Greg. Lubhang nangulila sa yakap ng anak. Napaluha siya nang tawagin siya nitong 'papa'.
Huminto naman ang bola ni Jeziah sa tapat ng mga paa ni Lea. Kinuha Niya Ito at saka siya nagka ideya na isang bata ang kausap ni Greg.
Mabilis siyang pumasok sa kwarto para siguraduhing tama ang hinala nitong bata ang ipapakilala ni Greg sa kaniya.
At tumambad nga sa harapan niya ang madamdaming yakapan ng Isang mag ama. At iyon ang malakas na paniniwala ni Lea.
"Greg.. may anak ka?" nasambit na lamang ni Lea sa pagkabigla.
Binuhat ni Greg si Jeziah. Pinunasan nito ang luha. Saka lumapit kay Lea.
" Yes.. he's my son Jeziah. " pagpapakilala ni Greg.
Napatitig si Lea sa hawak ni Greg na panay ang ngiti sa kaniya.
"Ibig bang sahihin may apo na ako?? At --- kamukhang kamukha mo pa.." nasambit ni Lea at nangilid ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...