Kadena 23

67 9 0
                                    

Kinagabihan, ilang beses tinangkang katukin ni Maria ang pinto ng kwarto ni Greg. Matapos niya kasing maitanong kung mayroon siyang gamot para siya ay mamatay ay iniwanan na sila sa labas ng ospital at hindi na lumabas ng kwarto simula nang ito'y makauwi.

Pero sa tuwing itatapat ang kamay sa pinto ay natatakot ito kung magtitiwa ba sya o hindi.

Sa loob ng kwarto, naaaliw si Greg na pinagmamasdan ang anino ni Maria na nakikita niya sa siwang ng ilalim ng pinto ng kwarto.

Alam niyang kanina pa ito pabalik balik.

"gusto na niyang mamatay? --napakahinang babae! Iyak nang iyak! Siya lang ba ang may problema sa buong mundo?! " bulong niya.

Binuksan ni Lea ang pinto niya dahil Naulinigan niyang may tao sa labas ng kwarto at nakita nga niya si Maria.

Narinig ni Greg ang pagbukas ng pinto ni Lea.
"Maria?? -- may sadya ka ba kay Greg? " tanong ni Lea.

Napailing si Maria.

Nang marinig ni Greg ang boses ni Lea ay agad niyang binuksan ang pinto at hinaltak si Maria sa loob ng kwarto niya.

Naisara agad ni Greg ang pinto. Nagulat naman si Maria sa bilis ng pangyayari. Napatingin siya sa braso niyang hinawakan ni Greg.

"hinayaan ko ba siyang hawakan niya ako? " sa isip ni Maria.

Napa atras siya hanggang marating ang pader na malapit sa bintana.

"so seryoso kang mamatay? Paano ang Lola mo? Paano pa siya gagaling?  Sino ang mag aasikaso sa kaniya?" mga tanong ni Greg.

Napatitig si Maria sa kaniya.

"ayan na naman yong mga mata niya... " bulong niya muli at umiwas sa titig ni Maria.

Napaluha si Maria.

"si Lola... Paano na nga ba si Lola?? " nang mapagtanto niya ang pagiging makasarili niya.

Napatango si Greg.
"alam mo ba na check up ko si Lola? Nakabubulag ang katarata. Darating ang madaling panahon hindi na siya makakakita pa. Hindi rin maganda ang heartbeat niya, ibig sabihin may problema sa puso ang Lola mo.. At ang magandang balita, nakausap ko siya kagabi, mabuti na lang may translator ako kagabi kaya nagkaintindihan kami. Sabi niya patuloy siyang lalaban para sa'yo. Tapos ikaw naman nanghihingi ng gamot para mamatay.?" pagpapa-realized niya rito.

Napahagulgol lalo si Maria nang malaman ito.

"patawad Lola... " kita ang pagsisisi niya.

Lalapitan niya sana ito kaya lang naalala niyang ayaw siyang nilalapitan nito kaya nag-stay si Greg sa puwesto nito.

"bilang doktor mo, wag mo ng hihingin sa akin ang gamot para mamatay. " sabi niya.

Tumango si Maria.

Kumatok si Lea na kanina pa nakikinig sa dalawa. Binuksan ni Greg ang pinto.
"yes Tita Lea? " tanong agad ni Greg.

Ngumiti si Lea.
"si Maria sana.. May gusto akong ibigay sa'yong damit.. Napansin ko kasi na puro panlalaki ang suot niya. Ok lang ba Maria? " paliwanag niya.

Pinunasan niya ang luha niya at mabilis na umiling kay Lea.

"wag na lang po Ma'am Lea.. Kontento na po ako sa limang damit.." pagmamalaking sabi niya.

Nagkatinginan si Greg at Lea..

"Maria masama ang tumanggi sa grasya, wala namang masama. Hayaan mo isang damit lang naman ang ibibigay niya.. Di ba Tita Lea? " saka tumingin kay Lea para sumang ayon ito sa tanong niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon