Matapos makompleto ni Lionel ang utos niya kay Cortez ay isinunod niyang kinumusta si Greg dahil makailang beses niya ito kinontak ngayong araw simula nang mapuslitan siya ng cellphone ng kaniyang Attorney.
Mabuti na lamang at nabigyan siya ng instruksyon ni Greg sa ganitong tanong ni Lionel.
"Sir actually hindi ko alam.. nang dumating kami sa bahay nyo pareha kaming nagtaka kung bakit magulo ang paligid. Parang may nagbarilan. Hindi rin maipaliwanag sa amin ng dalawang guwardiya kung ano ang nangyari. Hinanap niya agad si Maria sa kwarto nila pero hindi niya makita. Sobrang mababaliw na si Sir Greg dahil hindi niya makita ang asawa niya.. Umaasa siyang makikita niya nito sa Maynila kaya bumalik siya roon agad.. -----Sir paano nga pala yon? Walang alam si sir Greg tungkol sa asawa niya? Lalo na at ipinapa-hunting nyo pa?" pinag igi niya ang kunwaring pag aalala nito.
Sumagot si Lionel at nakinig nang husto si Cortez. Pero si Mitch ay hindi maiwasang mag isip ng sarili nitong paraan kung paano makakaalis sa Cebu. Nag aalala siya sa anak at Kapatid nito.
"Sir, yes, sir! Naintindihan ko po. Wala akong babanggitin kay sir Greg at kayo lang ang tanging kakausapin Niya tungkol sa asawa niya Sir." paglilinaw ni Cortez.
Pinatay ni Lionel ang tawag. Nang masiguradong putol na ang linya ng kausap ay hindi maiwasang makapagmura ni Cortez.
"Tangna talaga! Bulok talaga ang sistema sa Pinas! Nakakulong na nagagawa pang makatawag! Tama nga si Sir Greg! Hayop talaga!!" inis na sabi ni Cortez.
Seryosong tumingin si Mitch sa kaniya.
"Kailangan na nating kumilos nang mas maagap.. bago pa makagawa ng paraan na makalabas yang demonyong yan! Isa pa, nanganganib ang buhay ni Maria kapag nangyaring mahuli uli ng tauhan niya ang nakatakas na ama ni Maria.." sambit niya.
Napakunot noo si Cortez.
"Ama ni Maria??---- wala ng mga magulang si Maria nang makilala namin siya sa Sulu?" pagtataka niya.
Lumapit si Mitch sa kaniya.
"Narinig ng dalawa kong tenga, buhay ang ama ni Maria at naging bihag nya ito sa mahabang panahon.." diin niya.
"Pero bakit bibihagin ni Sir Macaraeg ang ama ni Maria?--- matagal kong nakasama si Sir pero hindi ko rin alam ang tungkol Dito.." sagot ni Cortez.
Napailing si Mitch.
"Pwes alamin mo, hanggat na sa'yo muli ang tiwala niya ---pero natatakot ako dahil baka gamitin niya si Tito Robert para maibalik si Maria. Mukhang magiging malabo rin yatang maipanalo ni Maria ang laban kung sakaling magdemanda sya dahil sabi mo nga legal ang papel nila ng hayop mong boss sa pagiging mag asawa nila." pag aalala ni Mitch.
Napakunot noo at napaisip na rin si Cortez ang tungkol dito.
"Hindi ba pwedeng mabalewala yon ng korte? Dahil una, hindi maalam si Maria sa english at pinilit syang gawin 'yon?" sagot niya.
Nagkibit balikat si Mitch.
"Abogado na ang makakasagot niyan. Dapat pag aralan kung paano madedepensahan ang lahat ng babaliktaring kuwento ng boss mo." paliwanag niya.
Natahimik si Cortez dahil napagtanto nitong siya ang nagdala ng malaking problemang ito kay Greg dahil siya ang sumunod sa utos ni Lionel para maging legal ang pagiging mag asawa sa papel ni Lionel at Maria.
Napansin naman ito ni Mitch.
"Pwede kang maging witness para sa sinasabi mo.." bulalas ni Mitch.
Seryosong napatitig si Cortez sa kaniya.
"Pero mapapahamak ang pamilya ko kapag ginawa ko yon.." pagtatapat niya.

BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...