Kadena 5

203 9 0
                                    

Matagal niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Narinig niya muli ang boses ng doktor.
"m-magandang badjao..?" nasambit niya.

Hinaplos niya ang matangos na ilong, isinunod ang mga bilugang matang may nakataas na makakapal at mahahabang pilik mata. Ganon rin ang maitim at sinadyang nakaayos na kilay. Nahaplos rin niya ang mapula niyang labi. Tinanggal niya ang tali ng buhok niya at mabilis na bumagsak sa mga balikat niya ang madulas at maitim niyang buhok na umaabot hanggang siko niya. Napansin niyang iba ang kulay ng balat niya kaysa sa mga pareha niyang badjao. Mas maliwanag ang kulay niya kaysa sa kayumanggi.

Sa limang taong nakakulong siya sa kanilang dampa ay nawala na sa isip niya kung ano na ang itsura niya ngayon.

Kinatok ni Ramjid ang pinto ng CR ng ospital. Muli niyang itinali ang buhok.
Binuksan niya ang pinto.

Sumenyas ang kaibigan saka ngumiti.
Napangiti si Maria.
"Salamat... " tinapik niya ito sa balikat.

Iniabot naman ni Ramjid ang kinuha niyang ipon ni Maria na kinuha pa niya mula sa isla.

"kailangan ko kasing bumili ng reseta ni dok para sa high blood niya. Isang tableta kasi non isang araw. Tapos mag iipon ako para gumaling na si Lolo.. " kuwento niya kay Ramjid.

Sumenyas gamit ng kaniyang kamay ang kaibigan.

"salamat ha pero ipon mo yon, ibigay mo sa Nanay mo." sabi ni Maria na todo ang iling.

Hinawakan siya sa kamay ni Ramjid at iginalaw ng pilit ang mukha nito.
Natawa si Maria nang maunawaan ito.

"oo naman.. Hinding hindi na ako iiyak." sinabi niya ito sa senyas na sila lang ang nagkakaintindihan gaya ng mga bata sila.

Sa kwarto ni Don Quaquin, nanahimik ang lahat matapos sabihin ng doktor ang tunay na kalagayan nito sa pamilya niya.

Nang makaalis na ang doktor sa silid.

"b-brain cancer.. " naluha si Aileen nang sabihin ito.

Napaupo sa sofa ang anak niyang si Luis.

"b-bakit ngayon mo lang to ipinaalam Dad? " nanlulumong tanong nito.

Samantala, huminga nang malalim si Greg nang malaman ang sakit ng kaniyang Lolo. Kanina pa siya nakikinig sa labas ng kwarto.

Umiiyak ang Lola ni Aileen. Lumapit siya rito at niyakap nang mahigpit ang kaniyang Lola.

"tama na ang iyak at wag na kayo mabigla. Tinanggap ko na ang kapalaran ko.. Kaya ko kayo ipinatawag ay para hindi mag iyakan kundi para makinig sa bilin ko.. " paliwanag ng matandang kita ang payat nitong katawan.

Pumasok sa kwarto si Greg.
"sakto pala ang dating ko.. So tell us grandpa, ano yong mga bilin mo? "

Nahinto ang lahat nang makita siya.

Tumayo ang ama niyang si Luis.
"At humabol ka rito para sa bilin ng Lolo mo?" mataas ang tono niya.

Matalim ang tingin niya sa ama.
"well I call it perfect timing!" asar niya sa ama.

Nagpatuloy siya.
" So what's up grandpa? Akala ko ba oragon ka grandpa? --sabi mo matapang at walang inuurungan ang isang oragon. Kaya bumangon ka dyan at maglaro pa tayo ng soccer. " ngiting sabi niya sa Lolo niya habang lumalapit sa higaan ng matanda.

Niyakap niya ito nang mahigpit. Natawa ang Lolo niya.

"a-apo mabuti nakarating ka! " biglang sumigla ang boses ng Lolo niya dahil dumating ang kaisa isang apo niyang lalaki.

Naging paborito rin niya ito dahil lagi niya itong nakakalaro at nakakabiruan.

"grandpa gagraduate na ako next year kaya dapat magpalakas ka. Hindi naman pwedeng si ate Aileen lang ang pinuntahan mo ng graduation. Dapat ako rin! " pagbibigay lakas loob niya.

Ngumiti si Don Quaquin.

Sumingit naman ang kaniyang Lola.
"wag kang sinungaling apo.. Alam mong walang ibang gusto kaming lahat ng naririto kundi umayos ang buhay mo. Hindi mo ba alam na sa loob ng limang taon, lagi ka niyang hinahanap, inaalala at hindi matahimik sa kaiisip sa'yo.." malungkot niyang pagtatapat.

"I'm sorry Dad if Greg made a very wrong decision and it cause you pain" sambit ni Luis.

Sasagot pa sana si Greg pero naunahan siya ng kaniyang Lolo.

"the more important right now is you are all here to listen to me while I can still speak.. G-gusto kong sabihin sa inyo na ibibigay ko ang lahat ng mana kay Greg. " pagtatapat niya sa tatlo.

Nagulat sila sa narinig.
"what are you saying Dad? -- may isa ka pang apo, si Aileen. Isa pa, Greg can't do managing and running business. Pagdodoktor ang kinuha niyang kurso" pagpapaalala ni Luis.

Tumayo si Greg at sinagot ang ama.
"oh I feel so sorry for you Dad. But grandpa is making the right decision. He put his trust on me more than you" pang aasar niya.

Sumagot ang kanilang Lola.
"at mamanahin naman ni Aileen ang lahat ng kayamanan ko. We agreed on that decision. Ang yaman ng Lolo ay sa apong lalaki at ang yaman ng Lola ay sa apong babae."

Pumalakpak si Greg.
"that is absolutely great grandma! So when I can have my mana? "

Sinaway siya ni Aileen.
"Greg you're being rude.. "

"I'm just being honest ate Aileen. Mahal na mahal kasi ako ni grandpa hindi tulad ng iba dyan. He only thinks of himself than his son's ultimate request." parinig niya kay Luis.

"stop it Greg.. " muling saway ni Aileen.

Lumapit si Luis sa ama niyang nakaratay.
"Dad what's this again? You're dying and yet you are doing all over again this time? --oppressing me? Well Dad I'am strong enough now to stop you." bulong niya rito.

Umiling si Don Quaquin.
"It's for you and for Greg.. Believe me I want to see things well before I die" bulong rin niya sa anak.

Lumapit si Greg sa dalawa.
"stop sabotaging grandpa's decision.. So ano Grandpa? Makukuha ko na ba ang mana ko ngayon? Kasi magpapatayo ako ng sarili kong ospital.. Plano ko ring maging magmanufacture ng mga gamot sa bansa. I need my money grandpa. "

Mabilis na kinurot siya sa pisngi ng kaniyang Lola.
"ikaw na bata ka, masyado kang atat. Sinasabi mo bang mas mahal mo ang yaman kaysa sa pamilya mo.?" saway niya kay Greg.

"aray ko grandma.. "

Nagpatuloy si Donya Sonia.
"makukuha mo ang yaman mo kung makakapagtapos ka ng pag aaral mo next year gaya ng ipinagmamayabang mo. Ang last will testament ng Lolo mo ay babasahin sa harap mo right after you graduated. While Aileen will gonna have it today because she finished her studies and practicing her profession in the present time" paliwanag niya sa dalawang apo niya.
"Really grandma? As in I can have it right now?" takang tanong ni Aileen.

"yes apo.. I will call Attorney Roces if you wish it today. " paniniguro ni Donya Sonia.

Napakamot sa ulo si Greg.
"that's unfair grandpa, grandma.. "

Sumingit si Aileen.
"if that's the case grandma.. I wont take it. Saka na lang kapag nakagraduate na rin si Greg. I still have my savings and I have my own clinic.. Just to be fair with my brother" paliwanag ni Aileen saka tumingin ito sa kapatid.

Napangiti si Don Quaquin.

Niyakap naman ni Donya Sonia si Aileen.

"napakabait talaga ng apo ko.. I think it's all about Greg's sake. " sambit ng Lola niya.

Walang nagawa si Greg kundi itikom ang bibig.

Hinawakan ni Don Quaquin ang kamay ni Greg.
"Sige apo ko, darating ako sa graduation day mo. Magpapalakas ako para sa'yo. Oragon tayo di ba? --so please finish your study and stop wasting your time in being playboy" natatawang sabi nito sa apo.

Napailing si Greg.
"makukuha ko rin yang mana ko.. " sa isip niya.

Nagdoble kayod si Maria para makaipon ng pera para sa Lolo nito.

Hindi na niya maharap ang maupo sa klase ng gurong si Joel.

Lumipas pa ang mga araw pero napapansin ni Maria na lumulubha ang lagay ng Lolo niya.


KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon