Kadena 59

46 4 0
                                    

Nasa highway sina Samuel at Aileen habang nakasandal sa sasakyan at nakatingala sa eksaktong floor ng kinalalagyan ng condo unit ni Greg.

"sigurado ka ba sa plano mong lasingin si Maria?? -- hindi ba dapat si Greg ang nilasing natin?? " tanong ni Aileen habang papikit pikit ang mga mata dahil nakainom na rin ito sa inuman ng apat matapos sa reception ng kasal ng dalawa.

Titig na titig si Samuel sa kwarto ni Greg, taimtim na inaabangan ang mga kilos ng anino nila Greg at Maria.

"Believe me Aileen.. Greg can't have sex with a drunk woman. Buti kung siya ang lasing magagawa niya yon. My cousin Grace did it already to test Greg, she got drunk to sex with Greg but she failed. Ni dulo ng daliri niya hindi ginalaw ni Greg. " paliwanag ni Samuel.

Nakita na ng dalawa ang pagpasok ng mga anino nina Greg at Maria sa kwarto nito.

Nakasuot pa ng wedding dress si Maria samantalang naka T-shirt na puti na lamang si Greg dahil hinubad na nito ang white suit niya.

"ganon naman pala! Hayaan na natin sila. Maria is ok for this night. Hindi siya gagalawin ni Greg. No sex will happen so can we go home? " hikayat ni Aileen na tinungo na ang front seat sa tabi ng driver para buksan ang pinto at sumakay.

Pinagmasdan siya ni Samuel nang makitang nakaupo na si Aileen ay nilingap niya muli ang itaas ng condo. Nakapatay na ang ilaw ng kwarto ni Greg nang saktong nilingap niya ito.

"I have to make it sure that your safe for tonight Maria. Ayaw kong magwala ka at magsisisigaw sa takot kapag gustuhin ni Greg na may mangyari sa inyo ngayon.. Of course I know my Friend Greg.. He never did sex to a woman by forcing her. Greg takes care of Maria ha?! Lagot ka sa akin kapag pinaiyak mo yan?! Bibigyan kita ng malakas na malakas na suntok! Tandaan mo yan ha?!" mga sigaw ni Samuel.

Napaiyak siya nang matauhang kinasal na ang kapatid niya sa kabila nang hindi pa rin niya magawang aminin na sila'y magkapatid.

"Maria.. Bakit nangyari sa'yo ang ganon?.. " sambit niya.

Makalipas ang ilang minuto, pinunasan niya ang luha at pumasok na rin ng sasakyan.

Muling pinindot ni Greg ang ilaw sa kwarto niya nang maala alang nakasuot pa pala ng damit pangkasal si Maria.

Umiiling siya habang nilalapitan muli si Maria.

"bakit ba iinom inom ka ng alak e hindi mo naman pala kaya? " sambit nito sa sarili.

Nakaplakda sa kama, tulog na tulog si Maria at pawis na pawis si Greg dahil binuhat niya si Maria mula sa parking area hanggang sa kwarto nito. Naalala niya ang sunod sunod na pagpapainom ni Samuel at Aileen sa kaniya sa reception ng kasal matapos umalis ang mga bisita nito.

Hindi pa rin nawala ang pag iling iling niya. Hindi makapaniwalang lahat ng inialok sa kaniyang maiinom nina Aileen ay hindi niya tinanggihan.

"pambihira yong dalawang yon?!  They were inconsiderate, this our first night together after the wedding.. "habang tinungo ang kama.

Nang makalapit, minasdan nito ang mukha ni Maria. Kalat na ang make up nito at alam niyang masama ang epekto ng make up kapag ito'y natutulugan. Kaya't kumuha siya ng towel sa cabinet at binasa ito.

Ipinunas niya ito sa mukha niya. Dahan dahan hanggang sa matanggal nito ang make up sa mukha ni Maria. Huli niyang pinunasan para matanggal ang lipstick nito na ang shade ay nude pink. Hindi nito maiwasang haplusin ang malambot nitong labi.

"alam mo bang nakakaakit ang mga labi mo mahal kong Maria? " hayag niya.

Dumampi siya ng halik. Napansin niyang kumamot si Maria sa leeg, tiyan at hita niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon