Pagkatapos kumain ng tanghalian ang apat at nagdesisyon si Greg na pag usapan na ang contract nilang dalawa ni Maria sa isa sa mga hotel na pagmamay ari ng kaniyang Lolo. Nag iingat si Greg na may ibang makaaalam ng kanilang plano at kinakailangan na ilihim ito kay Manang Delia.
Naiwan sa condo si Manang Delia.
"hmm manang Delia may nakausap na po akong construction company na maglalagay ng harang sa pader sa roof top. Baka po mamaya ay darating na sila. Susukatin daw po nila yong area. Tapos wag nyo na kami ipagluto ng hapunan ni Maria kasi gusto kong i-date ngayon si Maria.. " mahinang sabi niya sa dulo.
Pero narinig ni Samuel ito at napailing.
Samantalang si Maria ay hindi naintindihan ang ibig sabihin ng salitang 'date'.
Kinurot ni Manang Delia ang bewang ni Greg dahil kinilig ito. Bumulong siya sa amo niya.
"naku sir sinasabi ko na nga ba e ikaw ang may gusto kay Maria.. Sige sir goodluck! " pagpapaalam ni Manang Delia.Ngumiti si Greg sa bati ng matanda.
Nauna na si Samuel na lumabas ng pinto. Binitbit ni Maria ang pagkaing idadaan niya sa pamilya ni Fatima.
Dala ni Samuel ang sarili nitong sasakyan at nakatabi naman si Maria sa front seat ng sasakyan ni Greg.
Nang uminit na ang makina ng kotse ay lumingap si Greg kay Maria.
"ilalabas kita ngayon Maria at excited ako.. " tuwang sabi ni Greg.
Hindi siya pinansin ni Maria ang sinabi nito pero nagtanong..
"malayo ba ang pupuntahan natin? " tanong niya.
Pinihit ni Greg ang manibela at tinapakan ang accelerator ng sasakyan at tinungo ang highway.
"wala pang isang oras naroon na tayo.. " sagot ni Greg.
Sumusunod lang si Samuel kay Greg.
"tanda ko ang sinabi ni Maria, hindi niya kailangan ng partner in life. Isa pa, lumabas din ang tunay niyang pagkatao. Pera, pera lang ang habol niya kay Greg.. " sambit niya sa sarili.
Nagpaalala si Maria na kailangang makadaan sila sa park para ibigay ang dala niyang pagkain sa pamilya ni Fatima.
"sigurado ako kanina pa nila ako hinihintay.." dagdag ni Maria.
"bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa kanila?? " tanong ni Greg.
"nahihiya ako.. " maikling tugon ni Maria.
"alam mo nong binanggit ni Manang Delia yon sa rooftop nakaramdam ako ng guilt kasi pagkatapos kitang makuha sa kanila hindi na ko na sila naalala.. " pag amin ni Greg.
Lumingon si Maria sa kaniya.
"hindi pa naman huli Greg.. Sa Sulu, maliit lang ang bahay namin don pero mayroon kaming masisilungan. Pero sila umaasa lang sa ilalim ng puno at karton na tulugan." paliwanag niya.
"ganon ba? Mukhang may dapat akong gawin.. " napagtanto ni Greg.Humugot si Maria ng hinga.
"Greg tungkol saan ba yong kontratang pag uusapan natin? " interesadong tanong ni Maria.
Saglit siyang nilingon ni Greg dahil kailangan niyang ipokus ang sarili sa pagmamaneho.
"babayaran kita sa serbisyo mo. Kailangan nating magkasundo tungkol sa mga nais ko at nais mong kasunduan bilang asawa ko na tutumbas sa halagang ibabayad ko" kaswal na paliwanag ni Greg.
Marahang naitango ni Maria ang ulo nang maunawaan.
"pwede ko bang sabihin doon ang mga gusto kong mangyari? " tanong muli ni Maria.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...