Kadena 61

73 6 0
                                    

Nagkasundo agad sina Luis at Joel nang matapos ang kanilang usapan. Kaya naman nangako siya kay Luis na dadalhin mismo sa opisina nito ang kailangan niyang files kapag bumalik siya sa dati nilang bahay.

Habang binabaybay ni Joel ang daan patungo sa mansyon Nila Greg ay sariwa pa sa isip niya ang ipinangako sa kaniya ni Luis.

" I can bring her back in the country as soon as possible as what you are asking to me. Basta maibigay mo muna sa akin ang kailangan ko. Tumawag ka kung kailan mo iyon maibibigay dahil may gustong makipagkita sa'yo." pangako mi Luis sa kaniya at nagapapaulit ulit ito sa isipan niya.

Tumawa siya

"I'll make it sure this time that Maria will be mine. Ako ang magtuturo sa'yo Maria na kamuhian si Greg at sa akin ka iibig.. " sambit niya para sa sarili.

Mabilis ang pagmamaneho niya kaya't nakarating agad sa mansyon ng Lola ni Greg.

Sabay na bumaba ng hagdan sina Greg at Maria para harapin si Joel dahil ito ang unang araw ng klase ni Maria para sa home study education nito.

Pero nang makalapit si Greg dito ay nagulat siya dahil napakapormal ng suot nito. Naka-necktie itong humarap sa kanila .

"Good morning Greg!  Magandang umaga Maria! " bati ni Samuel.

"Bakit naka necktie to? --dito lang naman ang klase niya sa loob ng mansyon. " yamot na tanong sabi ni Greg sa sarili.

Napansin din ni Greg na kay Maria lang ito tumingin nang bumati kanina sa kaniya.

Nang magkaharap ang tatlo ay napakatamis na ngiti ang ibinaling ni Joel kay Maria.

"napakagalang naman ng suot mo Sir Joel.. " bati ni Maria.

"oo nga, bakit ka nakasuot ng ganyan? " pangahas na tanong ni Greg.

Ngumiti si Joel saka tiningnan ang suot.

"ganito talaga ako manamit kapag nagtuturo ako. Lalo na sa mga private Colleges Institution. Ganito ang required na isinusuot ng mga teachers.. " paliwanag ni Joel.

Hindi kumbinsido si Greg kaya sinabi niyang

"ok naman Joel kaya lang to tell you honestly hindi bagay sa'yo. Kaya mas mabuting wag ka ng magsuot ng ganyan ulit. Ok na ang polo shirt. Mas maganda kang tingnan.. " pagtatapat ni Greg.

Tiningnan uli ni Joel ang sarili.

"ganon ba, sige kung yan ang mas mainam.. " ngiting sabi ni Joel.

Tinungo ni Greg ang library room. Habang nakasunod si Maria at Greg.

"Sir Joel hanggang anong oras ang pag aaral natin? " tanong ni Maria.

"Hanggang alas singko ng hapon Maria. "

Nakapasok na ang tatlo. Napansin ni Joel na ang pader ng library room ay gawa sa salamin kaya nakikita ang labas ng library.

Pinaupo ni Greg si Maria sa tapat kung saan naupo si Joel.

"doon lang ako pupuwesto, hihintayin kita hanggang sa matapos kayo. " pagpapaalam ni Greg sa asawa saka humalik sa kaliwang pisngi ni Maria.

Hindi talaga maalis ang paninibugho ni Joel sa tuwing ganito ang makikita niya sa dalawa.

"magsisimula na kami Greg.. Araw araw ba magbabantay ka kay Maria? " tanong ni Joel.

Umiling siya.

"hindi naman.. Naka leave ako ng one week. Kaya makakasama pa ninyo ako sa Wednesday at Friday since M-W-F ang sched ninyo.. " paliwanag ni Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon