Kadena 90

66 5 1
                                    

Iniwan nina Aileen at Samuel ang dalawa sa mesa para makapag usap.

Pinunasan ni Luis ang mga nangilid na luha niya matapos ang pakikipag usap niya kay Aileen. Isinalaysay lahat no Aileen sa kaniya ang mga nangyari sa kaniya simula noong natuklasan niya na siya'y ampon. Pati ang sikretong paghananap niya sa tunay niyang ama hanggang sa magtagpo nga sila sa clinic.

Ikinuwento rin ni Luis kung paano siya napunta sa kaniya. Gayundin, kung paano ipinaranas ni Aileen ang pagkakaroon ng isang pamilya kahit na alam niya sa sarili noon na walang pag asa sa pagsasama nila ni Jane. Sinabi niyang tinupad nina Aileen at Greg ang pangarap niyang pamilya kahit pa hindi tunay.

Matagal na naghintayan ang dalawang ama ni Aileen. Hindi nila alam kung sino ba sa kanila ang mauunang magsalita. Huminga nang malalim si Carlito at marahang ibinuga ito dahil maglalakas loob na siyang magsalita nang..

"So you are her true father.. I can't blame you for what happened right now.. dahil kung hindi mo ginawa yon hindi ko magiging anak ang tunay mong anak. It's just that we can't do the very usual things like we are doing before. You're here already and things will never be the same again. I have to be ready on that one.. to be honest with you, I don't know what's my position right now in her life.. ngayong narito na ang tunay niyang ama. Masakit kasi parang natanggalan na ako ng karapatan sa pagiging ama sa kaniya..." pagtatapat ni Luis.

Ramdam ni Carlito ang sakit na nararamdaman ngayon ni Luis.

"Patawarin mo ako.. I never intended to let you feel that way. What I only wanted was to see her before I die.. kahit sa ganong paraan lamang mawala ang mga regrets ko sa buhay. I did mistakes in my life and I believed that this is the only way for me to correct it.. When I saw you together in the restaurant.. I felt jealous, I envy you because I've seen strong bond between you and my daughter. Ibig sabihin, napakaganda ng relasyon ninyong mag ama.. Aaminin ko rin sa'yo.. I hesitated to be there at that moment. Malaking sampal sa akin yon dahil hindi ko man lang naalagaan ang anak ko.. and after that night, I told to myself that I had to be contented in that way. But Aileen is keep on inviting me to go to her clinic.. at maniwala ka man o hindi nabigla ako sa pag amin niya mismo sa akin.. " paliwanag ni Carlito.

Napatingin si Luis sa mga mata ni Carlito.

"Well I guess we feel these kind of emotions because we're both fathers.. my family is my weakness. I love my daughter Aileen and my son Greg. Huli na para magmaktol pa tayo.. we're lucky of having an understandable Aileen. Napakamaunawain niyang babae.. she's not selfish. Inintindi niya tayong dalawa.." hayag niya.

Tumango si Carlito.

"She became an awesome woman because you raised her to be like that. Utang na loob ko sa'yo ang lahat ng yon. Maraming maraming salamat sa'yo Luis." pagpapasalamat niya.

Napangiti si Luis.

"Tama ang anak natin.. because right now she has two Father.. let's make her feel better." aniya.

Ngumiti na Rin si Carlito.

"Don't ever feel bad about having me here in Aileen's life. Dahil sigurado akong matagal pang panahon ang gugugulin ko para maabot ko ang pagiging kagaya mong ama sa kaniya. And I have to say this that you are really a great Dad!" pagtatapat niya.

Iniabot ni Luis ang kanang kamay niya bilang pakikipagkasundo nito.

"Gawin natin ito para sa kaniya.. " ngiting sabi niya.

Inabot naman ito ni Carlito.

"Kung ganon pumapayag ka ng dalaw dalawin ko si Aileen sa mansyon ninyo?"

Tumango si Luis..

Sa di kalayuan, napaluha si Aileen sa eksenang kaniyang nakita. Nagtagumpay siyang mapagkasundo ang dalawa.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon