Tatlong oras na naghanap si Samuel sa buong paligid. Inisa isa na rin niyang pasukin ang mga establishment sa highway na maaaring puntahan ng mga tao. Pero bigo siyang makita si Maria.
"naku nasaan ka na ba Maria? " problemadong problemado ang mukha ni Samuel.
Nagtanong muli siya sa mga gwardiya at sa mga tao sa paligid. Sumigaw na siya sa kasulok sulokan ng paligid.
"Maria lumabas ka na!! -- Nasaan ka na ba?? " panay ang sigaw niya.
Pawis na pawis siya kakahanap kung saan saan pero ni anino ni Maria ay wala.
"naku naman lagot ako nito kay Greg.. " pag aalala niya.
Inisip niyang umuwi sa condo nagbakasakaling naroon na si Maria pero nag iisa lang doon si Manang Delia.
"Sir Samuel bakit naman po ninyo inisip na mauunang umuwi si Maria e hindi naman niya alam kung paano umuwi?" sagot ni Manang Delia nang tanungin ni Samuel kung naroon na ba si Maria.
Napakagat labi si Samuel at inuntog ang ulo sa pader.
Nagulat si Manang Delia sa ginawa ni Samuel.
"bakit nyo po yan ginawa Sir Samuel? " saka ginabayan ang kausap na maupo sa sofa.
Nakita niyang may dugo dahil sa noo ni Samuel buhat sa pagkakauntog niya sa sarili sa pader.
Agad na kumuha ng bulak at betadine ang matanda para gamutin ang sugat nito."Manang Delia.. Nawawala si Maria. Iniwan ko lang siya saglit sa sasakyan. Pagbalik ko nawala na lang sya. Hinanap ko siya kung saan saaan sa paligid pero wala po.. Hindi ko na siya makita" napapaiyak na pagtatapat ni Samuel.
Napahinto si Manang Delia dahil sa pag aalala.
"naku kawawang bata.. Dapat malaman agad ito ni Sir Greg.. " nasambit ni Manang Delia.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya Manang Delia.. " malungkot na sabi niya.
Samantala, nakita ni Maria na sumakay ng kotse si Michele. Hinabol niya ito kaya't binilisan niya ang pagtakbo niya.
"Mitch sandali! --si Maria ito.. Nasaan si Jeziah? " paulit ulit niyang sigaw.
Pero dahil mabilis ang sinakyan ni Michelle ay hindi na niya ito nahabol.
Mabilis na umiyak si Maria. Huminto siya sa tabi ng punong nadaanan niya na malapit sa kalsada saka humagugol.
"Nasaan si Jeziah?? - bakit hindi mo siya dala dala.. Nasaan siya?? " hindi mahinto ang pag iyak niya.
Pinagsususuntok ni Maria ang puno dahil sa inis niyang hindi naabutan si Michelle.
Kinuha ni Samuel ang cellphone nito, hinanap ang contact number ni Greg. Bago niya pindutin ang 'call' ay tumingin ito kay manang Delia na nag aalala na rin.
"tawagan mo na sir, kailangan malaman niya po ito agad" hikayat ni Manang Delia.
Tumango siya at ilang segundo lang komokonekta na ito kay Greg.
Pero hindi ito marinig ni Greg dahil naka-silent mode ang cellphone niya.
Nakailang beses komontak si Samuel pero hindi sumasagot ang kaibigan.
"hindi niya sinasagot Manang Delia, paano na to? " tanong niya.
Pabalik balik lang na naglalakad sa sala si Manang Delia.
"ano po kaya kung pumunta po uli tayo roon para hanapin siya o kaya ireport na natin sa mga pulis na nawawala po siya sir? " suhestiyon ni manang Delia.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...