Mabilis na humarurot ang sasakyan ni Maria. Komontak si Cortez kay Greg para ipaalam agad ito pero hindi sumasagot si Greg.
"Pambihira bakit hindi sumasagot??" aniya.
Wala siyang nagawa kundi sundan si Maria.
Sinubukan ni Greg na makapasok sa loob ng rest house pero hinarang siya ng Isang tauhan.
"May nakalimutan Kasi akong gamit sa ika-huling kwartong ininspeksyon ko.." sagot ni Greg.
Pero hindi Siya pinayagan.
"Mamaya na.. kapag wala na si Boss sa taas. Hintay ka na muna sa labas." masungit na sagot nito.Kunwaring kumamot si Greg sa ulo.
"E Boss pwede pakisabay na rin yong bayad.. " habol ni Greg.Tumango lang ang kausap. Saka lumabas na siya.
Sa mga sanga ng puno nagtago si Luis. Mabuti na lamang at may mga punong nakapalibot sa kabuuang bakod ng rest house. Iginala niya ang kaniyang mga mata para bilangin ang mga tauhan ni Lionel sa labas. Uunahin niyang patumbahin na ang mga tauhan nitong mapapadpad sa likod ng rest house para hindi siya mahalata. Kaya pa niyang magpatumba ng higit sa sampu sa tantiya niya bago maalarma ang mga tauhan ni Lionel.
Ipinuwesto na niya ang kaniyang hawak na baril para sa unang target nito.
Inis na inis si Greg na lumabas sa pintuan, sa likod ng rest house.
"Shit!! --- nag iba ang plano niya.." yamot niyang sambit.
Kailangan ni Greg na mag iba rin ng plano. Lumakad siya papunta sa lilim ng lumang trapal malapit sa kinaroronan ng generator. Kailangan niyang makausap sina Cortez at Alex.
Napasapo siya sa ulo niya nang makalimutang mailipat ang simcard niya sa Isang cellphone nito.
Target ni Luis na barilin ang lalaking may kinakalikot sa bag nito.
Ikinagulat ni Greg ang napakaraming missed calls sa cellphone niya. Lalo na nang makita ang numero ni Maria.. Tinanggal Niya ang suot na sombrero at clothmask nito.
Umatras si Luis sa pagkalabit ng sintido ng baril Niya nang makilalang si Greg ang pinupuntirya niya.
"Greg??" sambit ni Luis.
Laking gulat ni Luis nang matitigan ang mukha ni Greg.
"N-nandito ka??" naitanong sa sarili.
Sinubukan niyang gamitin ang cellphone nito ulit para magcallback kay Maria dahil nag aalala ito. Pero pahinto hinto na ang pag ri-ring nito.
"Come on gumana ka pa please..." sabi niya sa hawak na cellphone.
Napatitig si Maria sa cellphone niya nang makitang numero ni Greg ang tumatawag. Agad niyang tinanggap ang tawag.
"Hello Greg-- Mahal ko?" agad niyang sagot.
Pero putol putol na ang boses ni Maria sa linya ni Greg.
"Please don't go here Mahal ko.. stay where you are!" nagmamadaling sabi Niya.
Choppy na ang boses ni Greg. Pinipilit na intindihin ni Maria ang sinasabi ni Greg pero nabigo siya.
"Mahal na Mahal kita... Wala na akong Ibang lalaking minahal, o mamahalin pa Hanggang sa malagutan ako ng hininga.." sagot ni Maria.
Napasabunot sa sariling buhok niya si Greg saka sinuntok ang pader ng bakod nang ubod lakas dahil hindi Niya maunawaan ang sinasabi ni Maria.
"Just don't go here!!" diing sigaw ni Greg.
Nahinto si Maria nang marinig ang 'don't go' sa kaniya habang patuloy na choppy ang boses pa rin ni Greg.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...