Kadena 43

62 6 0
                                    

Naghiwalay na nga landas sina Greg at Samuel. Tutungo sa abogado si Samuel samantalang sina Greg ar Maria ay bibisita sa ospital.

Pero simula nang sumakay sila sa sasakyan napansin ni Greg na tulala si Maria. Hindi rin ito nagsasalita.

"ano kayang iniisip niya ngayon?? " tanong ni Greg sa isip njya habang palingap lingap kay Maria.

Nakapokus si Greg sa daan dahil nagsisikip ang daan sa ganitong oras.

Minasdan ni Maria ang sarili sa side mirror ng sasakyan ni Greg. Inulit niya ang mga kataga ni Greg sa napagkasunduang kontrata. Paulit ulit sa isip niya ang boses ni Greg.

"mawawalan ng bisa ang kasunduang ito"

"hindi mo ba magagampanan ang pagiging asawa ko? "

"kung ganon wala kang dapat ipag alala Maria.."

Nagnakaw siya ng saglit na sulyap kay Greg.

"magagampanan ko kaya ang pagiging asawa niya?" tanong niya sa isip.

Bumuntong hininga siya. Napansin ni Greg na talagang balisa na si Maria.

"kung nagdadalawang isip ka sa kontrata, pwedeng pwede ka pang umatras habang maaga pa. Tatawagan ko na si Samuel na wag ng ituloy ang magpanotaryo.. " wika ni Greg.

Hinawakan ni Maria ang kaliwang bisig ni Greg para pigilan siya. Nilingap ni Greg ang paghawak nito sa braso niya. Tinanggal din naman agad ito ni Maria.

"pag mag asawa na tayo, wag mong ipakitang takot kang hawakan ako.. Ganon ang mag asawa hinahayaang mahaplos nila ang isa't isa para ipakita ang kanilang pag iibigan.. " sambit ni Greg.

Kumunot ang noo ni Maria.

"paano niya nalamang iniisip ko ang bagay na yan..? " sa loob loob ni Maria.

"ano tatawagan ko na ba si Samuel? "

"Hindi. Magpapakasal tayo kaya lang... " napahinto si Greg.

Iginilid ni Greg ang sasakyan para sila'y makapag usap. At nang maihinto ang kotse..

"kaya lang ano?? " atat na tanong ni Greg dahil sa pag aalala.

Humarap si Maria sa kaniya.
"ano bang gagawin ko para hindi mawalang bisa yong kontrata? --iniisip ko rin kung magiging ok ba sa'yo yong gagawin kong pagpapanggap?  K-kasi sa totoo lang h-hindi pa ako nagkakaroon ng... " napigil siya sa pagsasalita dahil nahihiya siyang ipagtapat ito kay Greg.

Insultong ngumiti si Greg.. At dinugtungan ang sinabi ni Maria.

"talaga? Ilang taon ka na ba at wala kang naging boyfriend? " hindi makapaniwalang asar ni Greg.

Napayuko si Maria.

"yong boypren bang sinasabi mo, kasintahan yon? " nilinaw ni Maria.

Natawa ng tuluyan si Greg habang tumango sa tanong ni Maria.

"My God Maria... Pinasaya mo naman ako ngayon e.. " asar ulit ni Greg.

Seryosong nagpaliwanag si Maria.
"mas kailangan kong magtrabaho, kaysa magkaroon ng kasintahan. Mas mahirap ang magutom kaysa unahin ang pagkakaroon ng kasintahan... "

Biglang Nakonsyensya si Greg. Humugot siya ng hinga bago nagsalita.

"ok.. Naintindihan na kita. Pero may binanggit kang Ramjid noong nag iinuman tayo, hindi mo ba kasintahan yon? "

Umiling si Maria.

"kaibigan ko siya mula nong bata pa ako.. " muli siyang tumingin kay Greg.

"kung hindi ka man nagkaroon ng boyfriend.. Sigurado naman akong napakaraming lalaki ang nabihag ng kagandahan mo. Kahit sinong lalaki, maaakit sa ganda mo. " kaswal na paliwanag ni Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon