Kadena 18

86 10 1
                                    

Tulad ng ng inasahan niya nag alburuto ang mga tiyan nila sa pagkaing niluto ni Grace. Nagkunwari rin siyang sumakit ang tiyan niya. Hindi na sinisi pa si Aileen sa nangyari. Pero lalong nagalit si Aileen kay Samuel dahil kasama niya itong nagluto ng pagkain.

Mabuti na lamang at nakakuha siya ng magandang tiyempo para mailagay ang biniling polbora sa pagkain para sumakit ang kanilang mga tiyan.

Kinatok siya sa kwarto ng kapatid. Nang pinagbuksan, nagkunwari itong masakit din ang tiyan niya.

"Greg may kinalaman ka ba sa mga nangyayari sa amin? " bintang niya.

"Aileen masama ang pagbibintang. Isa pa, tingnan mo nga ako? " tanggi niya.

Ipinakita pa niya ang sobrang pananakit kunwari ng tiyan niya.

"I think it's karma, ang OA mo kasi kay Samuel. Pinarusahan mo siya eh di ka naman hinalikan talaga! " pagpapatuloy niya.

"humanda sa akin yang Samuel na yan!" inis na sabi ni Aileen.

Isasara na ni Greg ang pinto pero nakapagbitaw pa siya ng mga salita.

"magtanda ka na sa ginagawa mo.. taksil" mahinang sabi niya.

Narinig ito ni Aileen pero isinara na ng kapatid ang pinto para linawin sana ang narinig.

"yes! I won this time! " masayang sabi ni Greg.

Maya, maya ay tumawag si Attorney galvez sa kaniya. Ipinaalam niyang nagpalit ng schedule ang Surigao at ang Sulu para sa medical missions. Ito ay ayon sa mga koordineytors na kontak sa nasabing lugar.

Nagalit si Greg.

"what?! No way Attorney!- may mga kausap na ako sa dating schedule ng missions natin.. " kita ang talagang problema sa mukha ni Greg.

Sumagot ang Attorney at sinabing final na ito. Idinagdag din niyang plantsado na ang lahat. Ang kontak ni Greg para sa pagdedeliver ng gamot na kailangan ay ayos na rin.

Pinatayan na siya ng tawag ni Attorney.

"shit!! -- paano na ang plano ko. " pag aalala niya.

May kinontak sa cellphone.

"Hello naresched ang medical missions, mauuna na ang Sulu. Hindi ba kayo pwede nextweek sa Sulu? " tanong niya sa kausap.

Matapos maichecked ng kausap ang schedule nito ay sumagot ito ng 'hindi sila available'.

Walang nagawa si Greg kundi i-abort ang plano nito.

"pag minamalas ka nga naman! " inis niyang sabi saka ibinato ang cellphone sa kama niya.

Kailangan pa tuloy niyang ipaalam sa madrasta niyang mapapaaga ang pagsama niya sa medical missions.

Sa inis niya, ginamit niya ang impluwensya ng Lolo niya para makaalis  kinabukasan papuntang Sulu.

Ayaw niyang makasabay sa byahe ang babaeng kinamumuhian niya.

Inihatid ni Doktor Mariano ang magLola sa tinutuluyan niyang bahay para doon matulog.

Nahirapan silang makaalis sa pamilihan nang dumating ang isang sundalo matapos niyang humingi rito ng tulong.

Mabuti na lamang at naging kakampi niya ang doktor at nakapag isip ng paraan. Naalala pa niya ang mga sinabi ng doktor sa sundalo.

"Hinahanap ko talaga ang pamilya ni Maria dahil isa siya sa recipient nitong medical mission na gaganapin sa Lunes ng umaga. Walang byahe ng Sabado at Linggo ang roro sa isla kaya't sasama na sila sa akin ngayon sa ospital. Tamang tama biyernes ngayon Sir. Ito nga pala yong flyers. Mababasa mo ang tungkol sa sinasabi kong medical mission. " paliwanag nito sa sundalo.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon