Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Greg at marahang pinindot ang palad nito. Iniba niya ang paraan ng pagmamasahe nito.
Saka Sinagot ang tanong ni Greg.
"bata pa ako non nang huli naming pagtira rito. Ngayon lang uli ako napunta rito.. " sagot niya.
Naramdaman niyang iba na ang paraan ng masahe ni Maria.
"ganon ba..? " malungkot na tugon ni Greg.
"pero paanong naging magkapareho sila ng pagmamasahe sa mga palad ko? " sunod na kinimkim ni Greg ang akala niyang ito.
Sinulyapan niya ang kausap at minasdan ang mga labi nito. Gusto niya itong haplusin gaya ng ginawa niya noon sa babaeng nakapagpagaan ng pakiramdam niya dalawang taon na ang nakalilipas.
"If only I could kissed your lips Maria in the dark.. Saka ko masisiguradong ikaw nga siya.. " makahulugang sabi niya sa loob loob niya.
Matagal hindi umimik si Greg.
Nagsalita si Maria dahil nanahimik ang kausap.
"pwede ko bang maging trabaho ito sa gabi? " naitanong niya.Umiling si Greg.
"h-hindi" saka binawi ang kaliwang kamay nito na minamasahe ni Maria."hindi?? " takang tanong niya.
"kung yong unang paraan ang ginawa mo, baka pwede pa.. " masungit niyang sagot.
Napakunot noo si Maria.
"kung ganon alam niyang binago ko.. " sa isip ni Maria.
Tinigilan ni Maria ang pagmamasahe.
Nagpunta si Maria sa veranda dala ang mga gamit niya. Iniurong niya ang apat na upuang naroon at lamesa sa gilid. Inilatag ang dalawang pirasong damit niya sa sahig at sinabing..
"inaantok na ako Dok Greg.. Matulog ka na rin" pagpapaalam ni Maria.
Nagpakurap kurap ang mga mata ni Greg sa pagtataka na ginawa ni Maria.
"ay grabe ka? Akala ko ba sa loob ka lang ng cabinet natutulog? " sa isip niya.
Tumayo siya at pinuntahan ito.
"malamig ang sahig, sabi ko doon ka sa kwarto ko matulog di ba? "
Pero di siya pinansin ni Maria.
"bakit ba ganito ang babaeng to? " inis niyang bulong.
Kinuha niya ang tatlong unan sa kwarto niya. Inilagay niya ang isang unan sa ulo ni Maria at ang isa sa tabi nito. Binitbit niya ang isa at inilagay sa sofa at saka humiga.
Sinilip siya ni Maria.
"hindi ba dapat doon siya sa kwarto niya matulog? " tanong niya sa sarili.
Pero niyakap niya ang unan na binigay sa kaniya.
Nakatulugan na lamang ni Greg ang pagbabantay kay Maria.
Kinaumagahan, naamoy na lamang niya ang amoy ng sinangang at noodles. Nang silipin sa veranda si Maria ay wala na ito roon.
Agad siyang bumangon. At hinanap sa paligid hanggang sa makita niya ito sa kitchen na naghahanda ng pagkain.
"akala ko sa katabing condo ko naaamoy ang pagkain.. Dito pala.. " bati ni Greg.
Ngumiti si Maria na magulo pa ang pagkakapusod ng buhok niya.
"nagluto lang ng almusal mo dok Greg.. Kaya lang yan lang ang nakita kong pwede mailuto.. " sabi niya.
"kain na po dok.. " alok niya ulit.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Любовные романы"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...