Kadena 71

44 4 0
                                    

Gulat na gulat si Joel nang magkita sila ng kaibigang si Christopher na kaibigan din ng kaniyang amang si Delfin. Hindi agad siya nakapagsalita nang pagbuksan niya ito ng gate.
"sa itsura mo talagang nagulat ka?! It's really me, your friend Dr. Christopher Locsin.. " tuwang bati ni Boyet sa kaniya.

Kinilala niya nang husto ito dahil ang huling pagkikita nila ay nasa highschool pa lamang siya. At nang masiguradong siya nga ito..

"Tito Chris.. Ikaw nga?! Come in please.. Siguradong matutuwa rin si Tito Carlito! " masayang hayag ni Joel.

Nagpakita naman si Samuel na nasa gilid lang ng gate. Napakunot noo si Joel. Napansin agad ito ni Boyet at ipinakilala na rin niya.

"I'm sure you already met Dr. Samuel.. Siya yong pamangkin ko. Panganay ni Kuya Robert. " pagpapakilala niya.

Ikinagulat ito ni Joel. Hindi nito maalalang nabanggit ito sa kaniya ng kaniyang ama o kahit na ang dalawang kaibigan nitong sina Carlito at Christopher.

Napapailing si Joel habang tinititigan si Samuel. Hindi siya makapaniwala.
Napangiti si Samuel sa kaniya.

"don't stare me that way sir Joel.. Hindi ko alam kung hindi ka lang makapaniwala o nang aasar ba ang mga titig mo? " sabi ni Samuel.

Tinapik siya ni Boyet.

"obviously he's still in shock, but Joel everything you heard was true.." sabi ni Boyet.
Bahagyang tumawa si Samuel.

"and we are here to talk to you personally..  Mayroon lang dapat tayong pag usapan sir Joel. " pagtatapat niya.

Napabuntong hininga si Joel.

"kung ganon.. Ma-mabuti! Then let's talk inside.. Gigisingin ko na rin si Tito Carlito. I'm sure he will also be surprised! " sagot ni Joel.

Ipinagtaka ito ni Boyet.

"si Carlito nandito siya? At kasama mo ngayon?! " atat na tanong ni Boyet.

Ngumiti si Joel.

"actually may one year na siya rito sa Pinas.. Ikaw na magtanong Tito kung bakit siya bumalik dito.. " sagot niya.

Mabilis na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay ni Joel.

Nasa garden si Greg at dinidiligan ang mga tanim ni Maria habang nag iisip ng mga susunod nitong plano. Naisip niyang tawagan ang isang General police na koneksyon ng kaniyang grandpa. Balak niyang ipa asikaso na sa madaling panahon ang paglaya ng lalaking nakipagkasundo na sa kaniya. Malaking halaga ang kapalit ng hinihingi nito at handa niyang ibigay ito masira lamang niya si Lea sa harap ng kaniyang ama at tuluyan ng maghiwalay.

Nasa plano na rin niyang kunin si Rodolfo sa susunod na linggo. Gusto niyang mapabilis na ang lahat ng tungkol kay Lea. Maayos na rin ang inihanda niyang bahay na pagtataguan sa dalawa sa sandaling nailabas na niya ang mga ito.

"kailangan kong mabura si Lea sa buhay ni Dad. Maipaghihiganti na rin kita Mommy. " sambit niya sa sarili.

Ilang minuto lang ang nakalipas at may tumatawag sa kaniyang cellphone. Galing ito sa tauhan niya sa Sulu. Mabilis niya itong sinagot.

"kumusta ang pinatatrabaho ko?? " agad niyang tanong.

Isinalaysay ng tauhan niya ang nasimulan nitong plano.

"nagpanggap kang vlogger sa lugar na yan?! -- magaling kung ganon. Ano na ang update mo? " sunod niyang tanong.

Ikinuwento nitong walang ibang may hawak ng kontrol sa lugar ni Maria kundi ang kanilang Sultan sa isla. Ipinaliwanag niyang masama ang iniwang imahe ni Maria sa isla. Isang 'suwail' na badjao ang tawag sa kaniya. Ang pagkamatay ng maraming dalaga sa isla ay isinisisi sa kaniya. Malas din ang tawag sa kaniya dahil ang kaibigan nitong si Ramjid ay hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon. Naniniwala ang lahat sa isla na nadamay si Ramjid sa kamalasan ni Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon