Napakamot si Greg nang makalabas ng pinto.
"pambihira Greg! Nakalimutan mo bang badjao girl ang kasama mo? Anong akala mo mga girls na sinasabayan ka maligo? " bulong niya sa sarili.
Nang madala ang mga gamit nila. Inutusan niya ang isang katulong na tulungan maligo ang babaeng nasa kwarto niya. At nagpahanda rin siya ng pagkain para makakain.
Naghintay siya sa sala hanggang sa makababa ang katulong na galing kwarto niya.
Napakainit na ng pakiramdam niya kaya't nagmadali siyang umakyat sa kwarto nito. Kumatok siya.
"S-si Dok Greg mo ito Maria, pwede na ba ako pumasok? " alanganin niyang sabi.
"bakit dok Greg mo?? --"saka tinatanong niya ang sarili kung bakit iyon ang nabanggit niya.
Binuksan ni Maria ang pinto.
Plano niyang dumiretso nang mabilis sa shower room kapag nagbukas ang pinto pero hindi niya napigilang tingnan ang mukha ni Maria. Lalong lumabas ang ganda niya ngayong nakaligo na siya, wala na rin ang mga pasa niya sa mukha nito. Pati ang mahabang buhok niya na umaabot hanggang bewang niya ay nagpadagdag sa ganda niya.
Pero napakunot noo siya nang makita ang suot nito.
Naka-jogging pants na halatang kupas at manipis. Napansin din niyang limang t shirt din na patong patong ang suot niya na ang amoy ay sampung taon nang nakatago sa lumang cabinet. Dahil dito bumaligtad ang tiyan na at nagmadaling pumunta ng CR para sumuka.
Nagtaka si Maria at pinakinggan lang ang nangyayari kay Greg.
Dahil Inabot nang halos dalawang oras kapag naliligo si Greg ay nakatulog naman si Maria sa duyang nasa labas ng terrace.
Nilapitan ni Greg ito para yayaing kumain pero parang napakahimbing naman na ng tulog nito.
Minasdan niya saglit at napaiiling.
"whoever the guy that broke your heart will pay for it. Hayaan mo tuturuan kitang maging kasing tapang ko. " sambit niya
Nag isip siya ng paraan para magising ito. Alam niyang nakatulugan nito ang gutom.
Kinuha niya ang tsinelas at kunwaring may ipis na pinapatay sa sahig. Mabilis ngang nagising si Maria.
"ipis, may ipis kaya lang nakawala! " pagkukunwari niya.
Napabangon si Maria para hulihin ang ipis na sinasabi niya. Nang makita ito sa gilid hinablot ni Maria ang hawak na tsinelas ni Greg at saka hinampas ang ipis.
Nanlaki ang mata ni Greg nang mapagtantong tsinelas niya ang ginamit sa paghampas sa ipis.
"naku naman bakit yang tsinelas ko ang dinumihan mo? " sa isip niya habang pigil ang bibig na isambulat ang pagiging madirihin niya.
Ibinalik ni Maria ang tsinelas niya."pakilapag mo na lang sa sahig" sabi ni Greg.
Inihagis ni Maria Ito malapit sa tabi ng paa niya. Lumayo siya agad dahil sa mikrobyong naroon sa isang pares ng tsinelas niya.
"ganon ang pagpatay ng ipis dok Greg.. " sabi niya.
Dumating ang katulong para sabihing handa na ang pagkain nila.
Habang pababa ng hagdan hindi maiwasang gumala nang gumala ang mga mata ni Maria sa magarbong bahay ni Greg.
Ginawa niya ito hanggang makarating sa dine in area.
Inalok siya ng mauupuan ni Greg. Nakatingin lang siya sa mga espesyal na pagkaing nasa hapag. Nakikita lamang niya ang ganito kapag may pagdiriwang lang. Hindi rin siya sanay na may nagsisilbi sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...