Kadena 50

56 3 0
                                    

Pilit na tinanggal ni Maria ang mga bisig na nakayakap sa kaniyang bewang. Mahigpit ang pagyakap sa kaniya kaya bigo siyang makawala. Nang lingunin niya kung sino ito ay isang halik ang sumalubong sa kaniya sa kaniyang kaliwang pisngi.

"Greg?! " gulat niyang sambit na may pagpigil sa kaniyang boses.

Lumipat sa kaliwa ang mukha ni Greg at humalik sa leeg niya.

"2 points!!" pilyong sabi ni Greg.

Tinapakan ni Maria ang kanang paa ni Greg. Nasaktan ito dahil nakasuot lamang ito ng leather slipper.

"Aray ko naman mahal ko! " sigaw niya.

Dahil dito pinagtinginan sila ng mga taong nasa loob ng restaurant. Pati si Aileen ay nakuha ang kaniyang atensyon na nakikipag usap pa sa manager ng restaurant para tanungin ang reservation ni Greg para sa dinner.

Nagkatinginan sina Maria at Greg nang mapansing nanakaw na nila ang mga tingin ng mga costumers na nasa loob ng restaurant.

Hinaltak ni Greg si Maria sa labas ng restaurant at nag iwan ng mga katagang..

"sorry Guys! LQ lang to! " paumanhin ni Greg.

Sinundan sila ni Aileen nang makitang lumabas ang dalawa.

Nang tuluyang makalabas ang dalawa, agad na nagreklamo si Greg.

"kiss lang yon Mahal ko? Pagbati yon ng lalaking mapapangasawa mo dahil napakaganda mo ngayon! " paliwanag ni Greg.

Matalim pa rin ang tingin ni Maria sa kaniya.

"come on.. Believe me! Halika tingnan mo ang sarili mo sa salamin! " hikayat niya saka itinuro ni Greg ang repleksyon ni Maria sa salaming pader ng restaurant na nasa harap ngayon nila.

Minasdan nga ni Maria ang sariling repleksyon. Tiningnan niya ang kaniyang damit lalo na ang pagkakaayos ng buhok niyang nilagyan ng kaunting kulot sa dulo.

Nakasuot ito ng pink lace sheath dress with sabrina neckline na Kitang kita ang hubog ng kaniyang katawan. Simple pero naging elegante ito na nagpalutang pa ng kaniyang ganda.

Kumunot ang noo ni Maria at halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Napansin ito ni Greg. Tinabihan niya si Maria.

"O di ba? Bagay na bagay ang kagandahan mo sa napakagwapong gaya ko! " tuwang sabi ni Greg.

Tulala pa rin sa sarili si Maria.

"sige nga sabihin mo nga sa akin na malabo lang ang mata ko? Kasi napakalinaw, you are so damn beautiful.." sambit ni Greg.

Nakalabas na si Aileen nang marinig ang huling sinabi ni Greg.

"of course I did it for you! -- I want her looks, it is so perfect when you introduce her to Tito Ed. So where's Tito Eduardo? Bilisan mo na!  Ipakilala mo na siya? " sunod sunod na hayag ni Aileen.

"He's gone.. " may panghihinayang sa boses ni Greg.

"What?? Nasaan nga siya? " pilit ni Aileen.

Bumuga ng hinga si Greg.

"He has a sudden mission to attend to.At kailangan andoon siya ngayon sa kampo nila dahil kailangan siya. Sayang nga e!  Kahit anong pakiusap ko na maghintay pa ng kahit ten minutes lang pero ayaw magpapigil. Importante sa kaniya ang oras. " paliwanag niya.

Huminga nang malalim si Aileen sa panghihinayang.

"ginawa ko na ang lahat para makarating kami.. Nakakahinayang naman.. " malungkot na sambit ni Aileen.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon