Tumambay sina Greg sa isang overlooking area. Kita ang makikislap na ilaw mula sa mga naglalakihang building, malakas din ang hangin na nakatatanggal ng galit niyang damdamin.
Nakaupo si Greg sa harap ng sasakyan niya samantalang si Maria ay nasa loob ng kotse.
Panay ang hithit ng sigarilyo ni Greg habang tinatawagan si Attorney Galvez, ipinaalam niya ang nangyari sa Sulu medical mission at inutusang asikasuhin ang team niya para makabalik Manila.
Sumaglit sa alaala ni Maria si Dr. Mariano at ang nangyari rito na napanood sa TV ay hindi niya maiwasang mapaluha..
Nakita niya muli sa isip niya ang mga nakaunipormeng sundalong may hawak na baril, hinuhuli at kapag nahuli dinadala siya kay Lionel kung saan naroon ito.
"Maria.. Sumunod ka lang para hindi ka nasasaktan. Tandaan mo kahit saan ka magtago, mahahanap kita at lahat ng taong magtatago sa'yo mamamatay.. " saka susundan ng nakakatakot na halakhak.
Tinakpan ni Maria ang dalawang tenga niya dahil paulit ulit niyang naririnig.
"Tama na! Tama na! " sigaw niya.
Nagmadaling tingnan ni Greg ang nangyayari kay Maria dahil sa pagsigaw niya. Dali dali niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at pinatahan siya.
"naku mukhang nasaktan ka talaga ni Dad.. Hayaan mo Maria gaganti tayo doon! --gusto mo ba ikaw mismo ang sumampal sa hayop na lalaking yon?! Alam mo ba gusto ko siyang pagsususuntukin! Pagtatatadyakan! Sapakin ang mukha niyang matigas! Tapos sasakalin ko siya ng tali! Yong hindi na siya makakahinga! " inis niyang sabi dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang galit ni Greg sa ama niya.
Tumigil si Maria sa pag iyak at seryosong tumingin kay Greg.
"sa tingin mo kaya kong gawin yan? "
"oo naman, kailangan nga lang kasama mo ako para hindi makapalag" saka tumawa si Greg.
Sumagi ulit sa isip niya ang banta ni Lionel sa mga taong makakasama niya at magpoprotekta sa kaniya.
"Dok Greg kailangan na nating maghiwalay baka madamay ka sa kaparusahan ko.. " nasambit ni Maria.
Kumamot sa ulo si Greg.
"oy hindi pa nga tayo gusto mo maghiwalay na tayo agad? " pagbibiro niya sa kausap.
Muling tumitig si Maria sa kaniya. Napakagat labi naman si Greg at sinabing
"Joke lang.. "
Niyaya niyang lumabas ng kotse si Maria.Sabay silang naupo sa harap ng sasakyan.
"Tingnan mo ang paligid Maria.. Ang ganda di ba? Napakaganda pero napakadaya. Kapag mabait ka, lolokohin ka. Kapag mapagbigay ka, aabusuhin ka. Kapag alam nilang kaya kaya kang durugin, pagpipira pirasuhin ka nila hanggang sa wala ng matira sa'yo. Kaya sa mundong ito kapag mahina ka, lagi kang talo. " sinabi ito ni Greg habang inaalala ang kawawa at mahina niyang Ina na pinaglaruan at sinaktan lang ng ama niya.Napaluha si Maria.
"tama ka talo ako.. " maikling sabi niya.
Agad na sumagot si Greg.
"kasi mahina ka! Iyak ka nang iyak, nananahimik lang, nasa sulok!, napakalungkot ng mga mata mo" pagtatapat ni Greg.Tumango ang kausap. Hinawakan siya ni Greg sa kamay.
"pero alam mo ok lang yon! Pero sana wag' mong patagalin, lumaban ka! Bumangon ka! Magpalakas at gumanti ka! --- Tingnan mo ako ngayon, napakasarap sa pakiramdam ang nakikita kong nasasaktan ang mga taong nananakit sa akin? -- Hindi na ako papayag na masaktan nila uli. Simula nang mamatay si Mommy ginawa kong matapang ang sarili ko.. " kuwento niya habang naaalala kung paano niya tinalikuran ang Dad niya at namuhay mag isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...