Kadena 115

51 1 0
                                    

Isinunod na tinawagan ni Aileen si Luis para ipaalam ang mga sinabi ni Ramjid sa kanila. Nag alala agad ang ama nito para kina Maria sa Sulu. Balak niyang hindi na ipinaalam pa ito kay Greg dahil kapag nangyari ito ay susunod ito sa Sulu para kay Maria. Pero duda siya sa mga diskarte ng kapatid. Uunahin pa rin niya ang kaligtasan ni Maria.

Para masigurado ni Luis ang kaligtasan ni Greg ay ipina-trace nito ang location nito gamit ang cellphone number ng anak. Anong silbi pa ng pagiging may ari Niya ng telecommunications company.

Iginuhit ni Cortez ang kabuuan ng bungalow rest house ni Lionel kung Saan nakakulong si Robert. Detalyado Lahat ito. Pati ang bilang ng mga tauhan ni Lionel sa rest house ay kompleto niyang nasabi. Nabanggit na may underground ang rest house kung Saan nakakulong si Robert. Sa bungad nito ay may nagbabantay na dalawang tao at isa naman sa mismong kulungan. Ibinalita rin niya na may amnesia ang taong ililigtas nila kaya maaaring makapag ingay ito o matakot nila. At ang gusto lang niya ay makaalis sa lugar.

Isinalaysay rin ni Cortez ang tawag ni PO2 Tolentino, ang Warden na haharang sa mga pulis na re-rescue kina Maria. Isinumbong rin niya ang kabuuang plano ni Lionel para sa kunwaring 'switching' ng mag ama dahil, ang totoo ay papatayin ni Lionel sa harap ni Maria ang ama nito.

"Napakawalanghiya naman Niya.. nakipagkasundo tapos hindi naman pala tutuparin!" hindi naiwasang magbigay momento ni Alex na kanina pa nakikinig kay Cortez.

Tahimik lamang si Greg at nag iisip.

"Mag isa lang bang pupunta si Maria sa lugar na yan?" tanong niya kay Cortez.

"Iyon ang gusto ni Sir Macaraeg.. pero ayon sa plano nina Maria na sinabi ng Warden ay susunod sila Kasama ng ikalawang grupo ng mga pulis. Papasok sila sa likod ng bungalow nang hindi namamalayan ng mga tauhan ni Lionel bago pa makarating si Maria sa lugar.

Bumuntong hininga si Greg. May nabubuo nang plano ito.

"Mga Anong oras darating si Maria bukas?" tanong niya muli.

"Alas otso ng gabi.. alas sais Naman ang release ni Sir Macaraeg sa kulungan. Hihintayin na niya ang pagdating ni Maria." sagot ni Cortez.

Napatango si Greg. Natahimik saglit ang lahat. Naghihintay sina Cortez at Alex sa plano niya.

"Kailangan natin ng tulong ng Ibang pulis. Kulang Tayo ngayon sa tauhan kung tayo lang ang pupunta roon." singit ni Alex.

"Makikilala rin niya ako at mga tauhan ko kung kami ang makakasama ninyo bukas.." sambit din ni Cortez.

Natuon si Greg sa drawing ni Cortez sa papel na nasa mesa. Inisip din niya ang binanggit ni Cortez.

"Kung ganon kailangan kong mauna sa rest house na yan bago pa makarating si Ninong" hayag ni Greg.

Nagkatinginan sina Alex at Cortez.

"Boss 'ikaw' lang?--- tama ba ang rinig ko?" sambit ni Alex.

Nagtataka rin si Cortez.

Tumango si Greg para sagutin ang tanong ni Alex.

"Paano ka papasok doon Boss?" pag aalala ni Alex.

"Ako na ang bahala.. Alex, mag abang ka ng go signal ko sa likod ng rest house Niya para pumasok sa back gate ng rest house gamit ang sasakyan. Sisikapin kong mailabas ang Ama ni Maria sa kulungan. Abangan mo siya roon at isakay sa sasakyan mo. Saka kayo umalis." salaysay niya.

"Ok Boss.." sagot nito.

"Malalaman Nila na ang pagpasok ng sasakyan ni Alex.. mag iingay ito. " reklamo ni Cortez.

Sumulyap siya kay Cortez.
"Gagawa ako ng ingay sa loob para isabay sa pagbangga niya ng back gate para hindi sila makahalata. Kailangan kong isilid sa sako ang Tatay ni Maria para mailabas ko siya sa likod ng rest house. Iiwan ko Siya sa gilid. Sir Cortez pupunta ka mamaya sa Sulu at babantayan ang sila Maria sa pag alis Nila roon Hanggang sa pagdating Nila sa Cebu. May pakiramdam akong pasusundan sila ni Ninong. Makikiusap na rin ako na ikaw na ang komontak ng mga pulis na mapagkakatiwalaan sa Cebu para sa back up at paghuli kay Ninong. ---kailangan ko siyang maibalik sa kulungan." paliwanag ni Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon