Kadena 82

38 4 0
                                    

Kanina pa napapansin ni Aileen na kanina pa siya tinitingnan ng lalaking kasama ni Joel. Naiilang tuloy siya.

Dahil huling nakarating sa table si Greg, hindi na niya nakatabi si Maria sa upuan. Nakita niya na pinagitnaan na siya nina Aileen at Lea. Katapat naman ni Joel si Maria. Ang natitira na lamang na upuan ay sa tabi ni Lyra.

Wala siyang nagawa kundi roon maupo. Pasulyap sulyap lamang si Maria sa kaniya.

Napakalayo niya sa asawa niya.

Ipinakilala ni Luis kay Boyet ang pamilya niya.

"Good evening eveyone. It's my pleasure to meet you again here Dr. Christopher Locsin and his family and friends. I like you to meet my family. Beside me is my wife, Lea, my beautiful daughter and daughter in law Aileen and Maria. Along that corner is my son Greg and beside him is Lyra, she's Lea's sister. We're having a baby so soon,  my wife is 3 months pregnant. Of course I'm Luis. I'm grateful to have you guys in this very special dinner. Thank you for coming! " masayang hayag ni Luis.

Sunod naman na ipinakilala ni Boyet ang kaniyang mga kasama.

"it's our honor to be invited here specially we've been invited by one of the respected and successful businessman in the Philippines, sir Luis Fuentebello. Please to meet you, my nephew from my brother Robert. Beside me are my friends Joel Laxamana and Dr. Carlito Suarez.. Anaesthesiologist. He's also a US citizen. While Joel is a son of my friend, Delfin Laxamana. You can call me Boyet" pagpapakilala ni Boyet.

Natulala si Maria kay Boyet nang marinig niyang ipakilala ang katabi nito sa kanan niya. Ipinagtaka rin niya ang pagkakapareha ng pangalan ng ama ni Samuel at ang ama niya. Nakaramdam ng kaba si Maria.

"Dr. Carlito Suarez hindi ako pwedeng magkamali, siya yong nasa calling card? Ibig bang sabihin kilala siya ni Joel noon pa? " nagugulumihanang mga tanong ni Maria sa sarili nito.

Awtomatikong napatingin din si Greg sa katabi ni Boyet na ipinakilala niya.

"Carlito Suarez? -- karirinig ko lang ang pangalan na yan kanina.. " saka niya kinuha ang cellphone nito para hanapin ang impormasyong naisend na sa kaniya sa email nito.

Pero si Luis ay nanlaki ang mga mata nang narinig agad ang pangalan ng lalaking nasa tabi ni Boyet.

"Carlito? Hindi kaya siya ang kaibigan ni Robert Locsin na nagbigay sa akin kay Aileen.. " sa isip ni Luis.

Napatitig naman si Aileen nang Napakatagal kay Carlito nang mabanggit ito ni Boyet.

Mabilis na nagregister agad sa isip ni Aileen ang birthcerticate niyang nakita sa ilalim ng kama ng kaniyang mga magulang.

Kilalang kilala niya ang pangalang ito na una niyang nakita sa papel na yon. At muli niya itong nakita sa alaala niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ngayon ang nakalagay na pangalan nito sa napakahalagang papel na yon.

Lalong hindi alam ni Aileen ang magiging reaksyon nito.

Nagkamayan na ang bawat isa sa kanila.
Pero hindi na makakilos sina Luis, Greg, Maria at Aileen para makipagkamayan.

Nagmatyag na lang si Luis kay Aileen at kung paano tingnan ni Carlito ang anak niyang si Aileen. Malamig sa loob ng restaurant pero pinagpapawisan si Luis.

Napansin naman ito ni Boyet.

"is there any something wrong sir Luis? " bati ni Boyet sa kaniya.

"ahh.. E..  Para kasing pamilyar ang pangalan niya.. " sagot niya.

Ngumiti si Boyet.

"I mentioned him to you when we're in Canada. Siya yong kasama kong anaesthesiologist sa isang plastic surgery operation na ginawa ko dito sa Pilipinas.. " pagpapaalala ni Boyet.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon