Kadena 33

51 7 0
                                    

Nang maisara ni Greg ang pinto agad siyang nagpasalamat kay manang Delia.

"salamat po sa pagtatanggol sa akin manang Delia.. " sambit niya.

"nagsabi lang po ako ng totoo sir Greg" maikling tugon ng matanda.

"Pasensya na po kayo manang Delia pati kayo nadadamay dito" mahinahong sabi ni Greg.

Iniabot ni Manang Delia ang inihandang kape kay Greg. Kinuha naman ito ni Greg. Naupo siya sa sofa.

"sa apat na araw na nakasama ko si Maria ay nakita ko na mabuti siyang bata. Naging magkaibigan na nga kami. Mabilis siyang matuto. Nakikinig at sumusunod. Kaya lang may kulang sa kaniya. Napansin kong kapag nag iisa siya umiiyak na lang bigla. At kapag madaling araw, lagi siyang nananaginip tapos hihikbi at magtatago sa ilalim ng kama. Yayayain ko siyang umalis doon pero sabi niya lalabas lang siya kapag dumating na raw si Dok Greg. "

Nahinto sa paghigop si Greg ng kape at seryosong napatingin kay Manang Delia.

Nangiti si Manang Delia dahil naalala niya ang makailang beses na nangyari ito sa kanila ni Maria.

"nang lumabas siya namroblema ako kung sino ang ilalabas kong dok Greg kaya ang ginawa ko pumasok ako sa kwarto mo nang palihim dahil tulog si Sir Samuel at kinuha ko ang litrato mo sa frame. Iyon ang ipinakita ko sa kaniya tapos natigil na siya sa pagpunta sa ilalim ng kama. Nang sumunod na gabi, lagi na niyang hawak ang litrato mong iyon.. " muling salaysay ng kausap.

Hindi alam ni Greg kung bakit masaya ang pakiramdam niya sa kuwento ni Manang Delia.

"ikinuwento nga po niya ang ginawa mong tulong sa kaniya. Nakita ko sa mga mata niya na gustong gusto ka na niyang makita. Lagi niyang tinatanong sa akin kung tapos na ba ang isang linggo.. Nakakatuwa siya dahil lahat ng itinuturo ko sa kaniya pinakikinggan niya at ginagawa ito nang maayos. Sabi niya gusto niyang ayusin ang trabaho niya para hindi mo raw siya paalisin sa bahay mo. Yong mga mabibigat na trabaho dito siya na ang gumagawa kasi sabi niya naaalala raw niya ang Naynay niya sa akin.. " napapaiyak pang pagtatapat ni Manang Delia.

Napangiti si Greg sa nalaman.

"Kaya sir Greg damay na ako rito.. Para na ring anak ko si Maria. Kailangan na po nating hanapin siya.. "

"tama, hanapin na natin siya ngayon. " maagap na tugon ni Greg.

Pinaglalaruan ng tatlong anak ni Fatima ang litratong hawak ni Maria habang Ito'y tulog.

"oy nay may hawak siyang litrato na hinahalikan niya! " sabi ng panganay.

Kinuha naman ito ng isa.

"baka jowa niya? " tawang sabi nito.

Kinuha naman ito ng mas nakababata at itinakbo sa Nanay ang litrato.

"tingnan mo nay ang gwapo!"

Isinampay muna ni Fatima sa bakod ang huling damit na nilabhan saka kinuha ang litrato.

"ay Oo nga artista yata to e? " bulalas ni Fatima nang makita ito.

Nagising si Maria sa kurot na ginawa sa kaniya ng panganay na anak ni Fatima.

Dinampian ng palad ni Maria ang pisngi niyang nakurot.

"Ate ganda ang cute kasi ng pisngi mo. " sabi nito.

Nasilaw siya sa sikat ng araw. Nang makitang wala ang picture ni Dok Greg sa kamay niya ay agad niya itong hinanap sa paligid.

"teka nakita nyo ba si Dok Greg?? " bumangon at naghanap sa ilalim ng kartong tinulugan.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon