Kadena 93

41 5 0
                                    

Mabilis na nakarating sa hotel sina Greg at Maria. Magkahawak kamay silang pumasok hanggang sa pagsakay sa elevator.

Hinahanap na nila ang kwarto at walang tigil ang pagkaba ng dibdib ni Maria. Tumigil si Greg sa tapat ng pinto na ang nakalagay ay VIP-RM34.

Tumingin si Greg sa kaniya.

"Handa ka na ba?" maagap na tanong ni Greg.

Huminga nang malalim si Maria at ibinuga rin.
Alam ni Greg na naghahanap ito ng lakas na loob para harapin ang katotohanan.

"Halika nga rito.." marahan niyang hinatak si Maria palapit sa kaniya.

Niyakap niya Ito para bigyan ng lakas ng loob.
Yumakap din si Maria.

Nagsalita si Greg.

"Ok lang ang umiyak, ok lang masaktan pero hindi ok ang pagsara ng mga tenga at puso mo.. kailangan mong ihanda ang sarili mo mahal ko.. Hindi kita iiwan sa loob hanggang matapos ang usapan.." pagsuporta ni Greg.

Napatango si Maria.

"Kakayanin ko ito basta kasama kita.." sagot niya.

Kumalas na ng yakap si Greg.
Kinatok ang pinto. Nang marinig ang boses ni Boyet sa pagtanong kung 'Sino Yan?' ay sumagot agad si Greg

"It's me Tito Boyet.. Greg Fuentebello.."

Maagap na binuksan ni Boyet ang pinto. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang kasama ni Greg.

Ngumiti si Greg. Nagmano si Greg, sumunod din si Maria.

"Good afternoon Tito Boyet.. Kasama ko nga pala ang asawa ko.. si Maria. "

Napatulala si Boyet sa mukha ni Maria. Nagsimulang kumaba ang dibdib nito.
Hindi rin maintindihan ni Maria kung bakit ganito ang reaksyon ni Boyet sa kaniya.

Pinisil ni Maria ang palad ni Greg para humingi ng tulong kung bakit ganito ang reaksyon sa kaniya ng Tito ni Samuel.

Nagmano si Greg at inakay rin niya ang misis para magmano rin kay Boyet.

Saka lang nagising sa katotohanan si Boyet na totoong kaharap niya ngayon ang kaniyang pamangkin na pinag uusapan nila ng kaniyang ama.

"Ahh e.. pasok kayo please.." natatarantang kilos ni Boyet sa paghahanap ng kanilang mauupuan.

Napansin ito ni Greg kaya't pasimple siyang lumapit kay Boyet at bumulong.

"Tito Boyet relax.. I think it's the right time. That's why we're here."

Seryosong napatingin si Boyet sa kaniya.
Huminga nang malalim para kumbinsihin ang sariling Ito na nga ang tamang panahon' para harapin si Maria.

Tumango siya kay Greg.

"Have a seat Greg and get any drinks you want in the fridge.. pupuntahan ko lang si Dad sa kwarto.." sagot ni Boyet.

Nagtungo na ito sa kwarto. Pinaupo ni Greg si Maria sa sofa. Naghanap ng maiinom si Greg sa refrigerator.

Ikinagulat niya ang maliit na cake na nasa loob nito. Binasa niya ang nakalagay na pagbati sa cake. Saka niya nalaman na birthday pala ng Lolo ni Maria ngayon.

Alam niyang wala pa si Samuel. Pero kahit wala Ito, matutuloy ang dapat mangyari ngayon.

Kinuha niya ang cake at dinala Ito sa sala kung saan naroon si Maria.

"Mahal ko sila ba ang mga taong binanggit mong gaya ng Tatay ko? na Isa siyang Doktor Gaya ng Tito ni Dok Samuel?" interesadong tanong ni Maria.

"Relax Mahal ko.. -- darating tayo don.. we have to make it slow.. hindi natin kailangang magmadali.." kumbinsi niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon