Kadena 78

38 4 2
                                    

Panay ang pagdepensa ng ama niya sa harap niya sa ginawa nitong desisyon at inaaming nagsisisi na ito sa mga maling desisyon niya lalo na ang ipagtabuyan ang panganay na anak na si Robert at hinayaang umalis si Boyet.

Nangilid ang mga luha ni Boyet at Samuel habang nakikinig sa kaniyang paliwanag kahit pa nahihirapang magsalita gawa ng nakangiwing bibig nito.

Hindi na napigilan ni Boyet na maibulalas ang nasa sa loob niya

"Dad I don't want you to die like mom that can't even try to change what has to be corrected in the future. Namatay si Kuya Robert na hindi nyo man lang siya napatawad. Ni hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataong mapatunayang kahit ikinasal siya sa isang mahirap na babae ay kakayanin pa rin niyang maging mabuting anak at doktor. You even stole happiness that his family supposed to had. You listened to your bastard son more than your own son. Kailanman hindi ko nakilalang magnanakaw si Kuya Robert. Alam kong siniraan lamang siya ni Kuya Tony para mawalan ng mana si Kuya at matanggal sa hospital ng pamilya.. Kahit ako Dad, plano rin niyang siraan sa harap nyo ni Mom, hindi niya lang naituloy dahil kusa na akong umalis.. " mahabang paliwanag ni Boyet.

Iniabot ng kaniyang ama ang kamay nito kay Boyet. Nagpahayag muli siya ng paghingi ng tawad sa anak. Napaluha naman si Samuel nang makitang abutin ng kaniyang Tito Boyet ang kamay ng ama at humalik rito saka niyakap ang ama.

"I forgave you Dad so long ago.. Ako rin patawarin mo rin ako. Iniwanan ko kayo kay kuya Tony kahit alam kong may masama na itong binabalak noon pa. " sambit ni Boyet.

Sumabat na rito si Samuel dahil interesado siya sa nauna nang inihayag ng kaniyang Lolo tungkol dito.

"Tito ipaliwanag mo sa akin ang lahat tungkol kay Tito Tony. Lolo mentioned that before regarding the transfer of legacy to Grace..sabi niya pigilan ko raw na mapunta ang lahat ng mana kay Grace. But I can't do nothing with that. Tito Tony has all the controls of Lolo's finances.." hayag ni Samuel.

Napailing si Boyet.

"ang walanghiya talaga! Hindi na nakontento. Kinuha na nga niya ang para kay kuya Robert at akin.. Pati ba naman ang para sa'yo kukunin pa rin niya. " inis na hayag ni Boyet.

Naguguluhan pa rin si Samuel.

"Tito please tell me everything. Grace is still my cousin..at si Tito Tony at Tita Rebecca, itinuring ko na silang tunay kong mga magulang. " diin niya.

Tumingin rin siya sa kaniyang Lolo at hiningi rin ang mas malinaw na paliwanag nito.

Hinayaan naman ni Boyet na magpauna ng paliwanag ang ama kahit alam niyang hirap ito sa pagsasalita.

Mabuti na lamang at sanay na si Samuel sa ganitong istilo ng pagsasalita ng kaniyang Lolo.
"ang ibig mong sabihin Lolo unti unting kinuha ni Tito Tony ang mga kayamanan ni Lola? " hindi makapaniwalang tanong.

Sumang ayon si Boyet.

"Anak ni Dad si Tony sa dating sekretarya nito sa office. Pero tinanggap siya ni Mom, she forgave Dad. Ganon niya kamahal ang Lolo mo. He supported Tony for everything like giving allowance monthly in food, clothing and schooling. Hanggang sa nong magcollege na siya, hiniling niya na tumira kasama namin sa bahay. His mother that time was dying kaya naawa si Mommy at pumayag. Robert is two years older than him kaya halos lahat ng gamit ni Kuya ay naipapahiram at naipapagamit niya kay Tony. We treated him like our real brother. Ganoon din si Mommy, pantay lahat ang pagtingin niya sa amin. " malumanay nitong kuwento.

Napatanong si Samuel sa puntong ito.

"But Tito Tony is a good man, even to me. He raised me like his own son. You treated him nice so what's drive him of getting all of Lola's money and property? " tanggol niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon