Kadena 7

136 8 0
                                    

Ilang linggo ang lumipas, sa maliit niyang kwarto, binilang niya ang kakarampot na baryang iniipon niya para sa kaniyang Lolo.

Narinig ulit niya ang pamimilipit sa sakit ang kaniyang Lolo.

Hindi naman bumubuti ang kondisyon nito gamit ang mga halaman at mga ipinapahid na langis sa buong katawan ng kaniyang Lolo.

Isinauli niya ang mga barya barya sa kahon. Isinilid sa ilalim ng papag. Napansin niya ang isang kahon na gawa sa kahoy. Naalala niyang ito ang kahon na binalikan ng kaniyang ama noong naganap ang napakalakas na bagyo.

Kinuha niya ito at binuksan.

Nakita niya ang dating mga larawan ng kaniyang ama't ina. Natuwa siyang makita ang larawan nilang tatlo.

"Namimiss ko na kayo Nay.. Tay.." sambit niya.

Sumunod na nakita niya ang mga mahahalagang dokumento tungkol sa kaniya gaya ng baptismal at birth certificate nito.

Isang larawan ang nakita niya. Naroon ang kaniyang mga magulang at karga karga siya ng kaniyang ina. Marahil noong binyag niya ito.

Napansin niyang may babae't lalaki ang aktong pasugod sa kinaroroonan ng kaniyang mga magulang. Malabo ang mga mukha sa larawan kaya't hindi niya ito nakilala.

Isang papel ang nakita niya, pambatang papel. Nakatupi ito ng paeroplano.

Nakita niyang parang may nakasulat sa papel kaya't inusisa niya.

Nang matanggal sa pagkakatupi ang eroplano. Napangiti siya.

Sulat ito mula sa kaniyang kaibigang si Michelle kung saan sila unang nanirahan.

Binasa niya ito. Sulat ito ng pamamaalam dahil sila'y lilipat na ng bahay. Mabilis niyang naalala ang mukha ng kaibigan habang sila'y naglalaro.

Hindi niya ito makakalimutan dahil halos isang taon sila kinupkop ng kaniyang mga magulang noong panahong taghirap ang buhay ng mga ito.

Sa dulo ng sulat, pagkatapos ng pangalan ni Michelle ay isang address ang naroon.

"hindi kaya ito ang address namin sa Maynila noon? " tanong niya sa sarili.

Inayos niya muli ang mga nahalungkat niya nang may isang maliit na papel ang nalaglag sa sahig.

Kinuha niya ito. Minasdan itong maigi.

Wikang ingles ang mga salitang naksulat sa kard kaya't  hindi niya maintindihan.

Kinuha niya ito at dinala sa gurong si Joel.

Nang magkita ang dalawa,
"isa itong calling card.. " sabi nito kay Maria.

"a-ano y-yong kolen kar? "

"calling card.. Ibinibigay ito sa mga kliyente, kostumer mga nangangailangan ng serbisyo ng isang eksperto. Nakalagay dyan ang address, mga numero na pwedeng makontak kapag kailangan mo ang serbisyo nila." paliwanag niya.

Muling binasa ito ni Joel.
"Dr. Carlito Suarez, anaesthesiologist, Holy Christian Medical Center, Manila, Philippines.. "

Nakarinig ng pag asa si Maria.
"Doktor?? --- s-siguro kaibigan ng Tay at Nay yan.. Pwede ko mahingan ng tulong.. Hindi ba? Kailangan kong pumunta sa Maynila, kasama si Lolo." tuwang sabi nito.

Napatango si Joel.
"oo nga, baka malibre ka pa sa paggagamot kay Lolo.. Pero siguradong magtatagal ka roon. Paano kayo tatagal doon? " pag aalala niya.

"nakita ko yong dating adress ng tinirhan nmin sa Maynila. Sigurado akong doon pa nakatira ang kaibigan kong si Michelle. Doon muna kami lalagi ni Lolo" tuwang sabi niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon