Kadena 67

33 4 0
                                    

Kinaumagahan, nakahilata pa rin si Greg sa kama dahil matagal bago siya nakatulog kagabi. Si Maria ay nasa shower room. Alam nitong Maya-maya lang ay darating na si Joel para turuan siya nito.

Sa pag aakalang nasa tabi pa niya ang asawa ay dumantay at yumakap siya sa inaakalang si Maria na nasa tabi niya. Pero nagising siya nang malamang unan ang kayakap niya.

Napabangon siya nang wala sa oras at hinanap agad si Maria. Nakarinig siya ng tunog ng lagaslas ng tubig sa shower room nila kaya't rumihistro agad sa utak niyang naliligo si Maria.

"ang aga.. Si Joel lang naman ang kaharap niya ngayon buong araw.. " yamot niyang sabi.

Babalik na sana siya ng kama ng maisip na magbanyo at naiihi na siya. Pero bago siya makarating sa comfort room ay madadaanan niya ang malawak nilang shower room na ang pader ay gawa sa fiber glass. Nalampasan ng mga mata niya ang shower room pero bigla siyang natigil maglakad nang mahagip ang hubog ng katawan ni Maria habang ito'y naliligo.

Hindi mapigilan ng kaniyang mga matang pagmasdan ang nakikita niya. Mula ulo hanggang paa ay dahan dahan niyang minatyagan ito.

Napalunok siya nang dumako ang mga mata niya sa dibdib ng asawa hanggang sa maliit nitong bewang hanggang paibaba sa malapad na balakang at maumbok nitong puwet.

"Napakaseksi naman!... " pinagpawisan nang mabilis si Greg.

Nakaramdam siya ng init sa katawan. Pero umiling ito para pigilin ang sarili.

"no, I know what you're thinking Greg.. You want to go inside and make love to her while the water is running into our bodies.. Stop your illusions Greg! " sigaw niya sa isip nito.

Bigla siyang napayuko at tiningnan ang tumatapang nitong pagkalalaki. Nasapo ito ng dalawang kamay niya at dumiretso sa CR.

"ano ba to?? Hanggang kailan ba ako magtitiis Maria?? " sambit nito sa sarili.

Saka naman siya napansin ni Maria na nilampasan na siya.

"teka, hindi ko ba naisara ang unang pinto.. " tukoy ni Maria ang main door ng kanilang banyo at shower room.

Nakabihis na si Maria pero hindi pa rin lumalabas sa CR si Greg. Nagpunta siya sa isang silid kung saan naroon naman ang cosmetics and beauty supplies gaya ng body lotions, hair sprays at iba pang pampaganda. Ngayon lang napuntahan ito ni Maria dahil hindi naman siya mahilig sa mga inilalagay ng kung ano ano sa mukha. Napaharap siya sa malaking salamin na nasa kaliwa niya. Dinampot ang suklay para ayusin ang mahaba niyang buhok. Minasdan ang sarili sa salamin, napansin niyang lalong pumusyaw ang kulay ng balat niya ngayon. Ngumiti siya sa kaniyang sarili. Sa ngiti niyang iyon, nakita niya ang sarili sa kaniyang ina.

"nay ikaw pa rin ang mas maganda.. " sambit niya.

Kinuha niya ang isang brand ng pabango. Nag spray siya sa palad niya saka inamoy.

"napakabango.. " sambit niya.

Nag spray uli siya para ilagay sa likod ng magkabilang tenga niya. Nakita niya ang mga lipstick na nasa isang mesa. Napakaraming uri ng shades ito. Pinili niya ang kulay pink at sinubukang maglagay nito sa labi niya. Pero dahil hindi naman siya sanay sa paglalagay ng ganito sa labi niya ay may mga lagpas ito. Pinunasan niya ito gamit ang tissue na nakuha niya sa isang mesa.

Hindi niya namalayang pumasok na si Greg sa silid na iyon at napangingisi sa kaniya. Nang lingapin niya ito ay napakunot noo si Maria dahil may mga pawis ito at basa ang kaniyang suot na puting T-shirt.

"nandiyan ka pala.. P-pero bakit pawis na pawis ka? " tanong ni Maria.

Tiningnan ni Greg ang sarili sa salamin nang lumapit sa kinaroroonan ni Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon