Kadena 69

40 4 0
                                    

Wala pa ring tigil sa pagtawag si Maria sa cellphone ni Greg mula sa bungad ng mansyon hanggang sa siya ay makapasok sa loob ng kanilang kwarto.

Sinubukan niya muling tumawag pero sinagot na siya ng operator kaya't tinigilan na niya ang pagtawag. Nanalanging nasa mabuting kalagayan si Greg. Naupo siya sa sofa at humarap sa pinto kung saan makikita niya agad si Greg kapag nagbukas ang pinto.

Makalipas ang kinse minuto dumating si Greg. Napatayo agad sa sofa si Maria nang buksan ni Greg ang pinto ng kwarto.

Si Greg naman ay mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ni Maria para yakapin ito nang mahigpit.

"thank you for your unstoppable calling.. " sambit ni Greg.

Puno ng pagtataka si Maria.

"mabuti nandito ka na.. Kumain na tayo kung ganon. " ngiting sabi niya habang napakahigpit pa rin ng yakap sa kaniya ni Greg.

Naalala ni Maria ang salin ng ingles na binanggit ni Greg.

"thank you? --hindi ba salamat sa'yo ang tagalog non? " tanong niya.

Kumalas ng yakap si Greg.

"oo yon nga mahal ko.."

Napakunot noo si Maria.

"Bakit ka nga pala nagpapasalamat?? " pagtataka ni Maria.

Hinawakan ni Greg ang mukha niya.

"iniligtas mo ako. " bulalas niya.

Napatitig lamang si Maria sa mga mata ni Greg at pilit na inuunawa ang ibig sabihin ni Greg.

"paano kita iniligtas? Bakit napaano ka ba?  May nangyari ba sa'yong masama? " pag aalala ni Maria saka tiningnan ang mukha, kamay at braso niya kung may galos o gasgas siya.

Napangiti si Greg.

"hindi, maayos ako mahal ko. Nailigtas mo ako sa saglit na kahibangan ko.. " pag amin ni Greg.

"kahibangan? " naitanong niya.

Niyaya niyang maupo si Maria sa sofa saka planong magpaliwanag.

Napansin ni Maria na may mga kulay ng lipstick na nasa leeg ni Greg.Plano niyang kunin ang tissue na nasa silid ng cosmetics and beauty supplies kaya't tumayo siya.

"saan ka pupunta mahal ko? " tanong ni Greg dahil gustong gusto na niyang ipagtapat ang nangyari kanina.

Nang nasa loob na si Maria ay sumaglit sa paningin niya ang mga nakita niya sa leeg ni Greg.

"alam kong lipstick yon.. Galing sa labi ng isang babae.. Ibig sabihin.. " hindi na niya naituloy pa ang hinala niya.

Pinigil rin niya ang pangingilid ng mga luha niya. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Greg at pinunasan ang mga nasa leeg ni Greg.

Nakaramdam ng hiya si Greg kaya't pinigilan niya si Maria.

"sorry hindi ko na natanggal ang nga yan.. " pag amin niya.

Makahulugan siyang tinitigan ni Maria.

"hinalikan ka niya?? " tanong ni Maria.

Tumango si Greg.

"hinalikan mo rin ba siya?? " muling tanong ni Maria at nangilid ang pinipigilang luha.

Marahang tumango si Greg.

"kung ganon, may n-nangyari sa inyo?? " may takot sa tinig niya.

Umiling si Greg.

"walang nangyari.. Kaya nga ako nagpalasalamat sa'yo, iniligtas mo ako sa kahibangang halik na ginawa ko." paliwanag ni Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon