Kadena 6

164 8 2
                                    

Biyernes, matapos niyang gampanan ang pagiging Hatib sa kanilang opisyal na mosque ay sumaglit si Maria sa kubong pinagtuturuan ng gurong si Joel.

Nagpapabasa siya ng english alphabet nang madatnan niya. Kumaway siya para mapansin nito.

Ipinasulat ni Joel ang limang sampung letrang naaalala ng mga estudyante sa kanilang papel. Iniwan niya saglit ang mga ito.

Lumapit siya kay Maria.
"kumusta?" tanong ng guro.

"katatapos ko lang manguna ng pagbasa ng panalangin sa mosque.. " sagot niya.

Naupo ang dalawa sa upuang yari sa kawayan na nasa pagitan ng dalawang malalaking puno.

"tagal mo na ring ginagawa yan.. Para ba sa pagbuti ng lagay ni Lolo? " maagap niyang tanong.

Tumango si Maria.
"isa pa, nakokonsensya ako sa kagagahang ginawa ko. Nangako ako kay Allah na hindi ko na ulit gagawin yon. Aalagaan ko ang Lolo't Lola ko habang nabubuhay ako. " paliwanag niya.

Seryosong tumingin si Joel sa kaniya.
"Tama nga si Johara, nagiging matalino ang mga badjao dahil sa taas ng kanilang pananampalataya sa Diyos nila"

Mabilis na nilingap siya ni Maria.
"kilala mo ang guro naming si Johara?"

Nakita ni Joel na nangilid ang luha ni Maria nang maitanong ito.

"marahil naalala na naman niya ang nangyari kay Johara.. " sa isip ni Joel.

Sumagot siya rito.
"ahmm.. Nabasa ko yong mga report niya sa munisipyo tungkol sa inyo. Sa dalawang taong pamamalagi niya rito.. H-hindi ko siya personal na kilala."

Tumulo ang luha ng kausap.
"napakabait ng gurong Johara. Siya ang nagturo ng paghahanapbuhay dito sa bundok, ang pananahi, ang pagkontrol ng pamilya.. Lahat nga ng kasabayan kong bata rito noon natuto ng magtagalog dahil sa kaniya." kita pa rin ang pagdadalamhati nito.

Dinukot ni Joel ang panyo nito sa bulsa ng patalon saka iniabot sa kaniya.
"tahan na.. Magagalit si Ramjid kapag nakita ka niyang umiiyak na naman. "

"sorry.. " maikling tugon niya.

"alam mo nabanggit din ni Johara na may dugong bughaw ang mga badjao. Nong una hindi ako naniwala, pero nong nakita kita sa bahay ninyo.. Ang bilis kong makumbinsi.. ---napakaganda mo kasi" pagtatapat niya at pag iiba ng usapan.

Nangiti siya at bumuga ng hinga.
"sa kalagyan nmin dito, hindi ko na alam ang magandang mukha sa hindi. Ang alam ko lang kailangan naming mabuhay. Nawala na ang mga magulang ko, ang guro ko, hindi ko kakayanin kung mawawala sila sa akin." tinukoy niya ang kaniyang Lolo't Lola.

May iniabot na pera si Joel sa kaniya.
"Ito tanggapin mo, tulong ko para kay Lolo para madala mo na siya sa Maynila."

May pagtatakang tinanggihan niya ito.
"hindi mo naman kailangang gawin yan. Maniwala ka, kaya ko to! --marami kaming aanihin sa susunod na buwan ni Lola. Isa pa, mas kailangan mo yan."

Nakatitig lang si Joel sa kaniya.

"mayayaman nga siguro talaga ang mga nagvovolunteer na guro kagaya mo.. Napansin ko kasi yon, kahit ang gurong Johara laging may mga pasalubong sa aming lahat kapag babalik sya rito galing sa bayan" dagdag ni Maria.

Ibinulsa agad ito ni Joel.
"hindi totoo yang ispekulasyon mong yan. " tanggi niya.

"salamat uli. Kundi dahil sa'yo hindi ako magigising sa katotohanan. "

"lagi mong sinasabi yan. Nakakarindi. Mas maganda kung tatanggapin mo na ang tulong ko bilang pasasalamat mo na sa akin. " hikayat niya.

Tumayo na siya at Nagpaalam.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon