Kadena 106

42 3 0
                                    

Matagal na napatulala si Greg sa kawalan habang paulit ulit ang mga salitang binanggit ni Lea sa kaniya. Magkahalo ang galit at tuwang nararamdaman niya ngayon. Saka nakita niya sa kaniyang mga alaala ang nangyari kay Maria sa bahay ni Joel, ang nadatnan niyang itsura nito, pati ang tagtanggi niyang wag ireklamo si Joel. Saka kusang tumulo ang mga luha niya.

Hindi naman makapagsalita si Lea sa nakitang reaksyon ng anak nang aminin nitong buntis si Maria. Sa ganoong nakita niya, siguradong hindi pa inaamin ni Maria ang tungkol dito.

Sumulyap si Greg sa front mirror at tinitigan ang anak na si Jeziah habang naglalaro ng robot.

"Ipinagkait ka na niya noon sa akin.. bakit kailangan niyang ulitin?" sa isip niya.

Inihampas ni Greg ang mga kamay sa manibela niya sa galit niyang namayani sa sandaling yaon.

"How could she do this to me?! How could she just go with that plan in an instance without thinking of our children's sake?! Nagawa niyang pumayag sa gusto ni Joel. Sasama siya sa Isang lalaki at tatangayin lang ng ganon ang anak ko?! Paano!? Paano niya naisip na gawin yon?!!" galit niyang sigaw.

Mga tanong na gustong gusto niyang kay Maria manggaling ang mga sagot.

"Anak.. wag kang mag isip ng ganyan.." naaawang hayag ni Lea.

Binuksan ni Greg ang pinto ng sasakyan niya para ilabas ang galit niya. Agad niyang pinagsisisipa ang front tire nito malapit sa driver's seat.

"Bakit Maria?!!" sigaw niya.

Napaluha na rin si Lea nang makita ang nahihirapang kalooban ng anak. Hinayaan niyang mailabas ni Greg ang Lahat ng Galit niya.

Naisuntok pa niya ang kanang kamao nito sa pinto ng sasakyan Niya.

Naisip ngayon niya ang mga pinagdaanan niya para maging plantsado ang Lahat ng plano Niya mabigyan lang ng katarungan si Maria. Napahandusay siya sa damuhan. Nakaramdam siya ng awa sa sarili.

Tumunog ang cellphone Niya. Hindi niya Ito pinapansin. Pero makailang beses na ito nag-vibrate. Lumabas si Lea sa sasakyan Kasama ang apo nito.

Ilang mga sasakyan na ang nagdaan sa kalsada at napapatingin sa kanila.

"Please anak, 'wag mo munang unahin ang galit mo. Kung anuman ang ginawa ni Maria, alam ko may sarili siyang dahilan.." hayag ni Lea.

Tumunog muli ang cellphone ni Greg. Nasa kawalan pa rin ang tingin niya.

Nagpumilit si Jeziah na makababa sa kalong Niya. Para mapuntahan ang ama niya. Kaya ginabayan ni Lea ang apo hanggang makarating kay Greg.

Agad na yumakap ito kay Greg. Hinaplos ang mukha niya.

"Papa.. papa.. love.. love.. you. Don Cry.." sambit ng anak niya.

Lalong bumagsak ang luha ni Greg. Niyakap niya nang mahigpit ito.

Napangiti sa tuwa si Lea.

"He's your son. Siguradong nararamdaman din niya ang lungkot mo." sagot ni Lea.

Tumunog uli ang cellphone Niya. Tumayo Siya habang nasa bisig ang anak. Kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon Niya. Nakita niyang numero ito ng istasyon ng pulis malapit sa pinangyarihan ng barilan kanina nina Samuel at Joel.

Sinagot niya ang tawag. Pinayapa niya ang boses nito.

"Hello.. "

"Sir Greg Fuentebello may gusto lang Po kami i-report. May concern citizen ang nagsauli ng sling bag sa istasyon namin. Nakita ito sa gilid ng daan papunta sa Bahay ni sir Joel. Kanina low bat ang cellphone na nasa bag kaya hindi pa namin ma-identified kung kanino ito. Pero ngayong may charge na ang battery, kompirmadong kay mam Maria nga po ito dahil sa screen photo ninyong dalawa.." sagot agad ng kabilang linya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon