Kadena 38

53 8 0
                                    

Sa tatlong bote pa lamang ng alak ay lasing na si Manang Delia. Inihatid siya ni Greg sa kwartong tinutuluyan nila ni Maria.

Nagsimula namang kumanta si Samuel na wala sa tono. Nang makabalik si Greg sa sala ay pinihit niya ang volume ng stereo para humina ito.

Pero nilakasan ulit ni Samuel ang stereo.

"ano ba lakasan mo malay mo may makarinig baka mainlove sa akin.. " sabi niya kay Greg.
Inasar siya lalo ni Greg.

"sino namang maiinlove sa boses mong palaka? "

Hindi niya pinansin ang kaibigan at itinuloy ang pagbira ng kanta.

Binigyan ni Greg ng isang shot si Maria.

"inom pa, kulang pa yang iniinom mo. Paano ka tatapang niyan?" sabi ni Greg.

Umiling siya.

"alam mo sa amin, hindi sumasalo ang mga babae sa lalaki kapag umiinom sila. Naglalabas lang din ng alak kapag may pagdiriwang. " paliwanag niya.

Lumagok si Greg ng alak saka sinagot ang pahayag ni Maria.

"sa inyo yon Maria. Dito kahit kailan pwede ka uminom. Isa pa, ako naman ang kasama mo ngayon kaya ok lang na uminom ka.. "

Inalok siya ulit na lumagok pa. Nilagok niya ito.

"ayon, maniwala ka tatapang ka rito. Sandalan ko to noon pa.. " pagmamayabang ni Greg.

Minasdan niya ang mga mata ni Greg. May kaunting pamamaga ito, namumula at malungkot.

"bakit kaya siya malungkot? " napa isip si Maria.

Makalipas ng dalawang oras, naubos na ang doseng bote. Sumasayaw na sina Greg at Samuel sa gitna ng sala. May Kaunting hilo na rin si Maria pero kailangan niyang maging matibay para masamahan si Greg.

Pinatay na rin ni Maria ang stereo para hindi na makaistorbo sa paligid. Nakikinig lamang siya sa tawanan at kuwentuhan ng magkaibigan.

Naghalungkat sina Greg at Samuel ng mga nangyari sa buhay nila na talaga namang nagpatunay ng kalokohan nila.

Pati si Maria ay napapangiti sa mga kuwento nilang dalawa. Nakita ni Maria kung paano ang naging pagkakaibigan ng dalawa.

"ito pa Greg naalala mo yong napakasigang kaklase nating si Edwin. Nilutuan mo siya ng sisig. Tapos tuwang tuwa ang loko kasi akala niya natakot ka sa kaniya ang hindi niya alam nilagyan natin ng maliliit na bato yong sisig kaya pagkagat niya. Natanggal ang tatlo niyang ngipin sa harap.. " humagalpak si Samuel sa pagkukuwento.

"gago kasi sya kaya dapat lang yon sa kaniya. Pero ikaw ang the best. Naalala mo si Sophia. Ultimate crush mo na binasted ka? Para makaganti ka nilagyan mo ng maraming antik ang damit na ginamit niya sa pageant. Tapos nong rumampa sa stage hindi mo malaman kung kiti kiti o bulateng nilagyan ng asin.. " malalakas na tawa ang sunod na ginawa ni Greg.

Nagrambulan ang dalawa sa sofa nang mapunta sa usapan ang mga ginawa nilang kahiya hiya noong college na sila. Naikuwento kasi ni Greg na nahubaran ng brief si Samuel nang minsang talo siya sa pustahan.

Natawa rin si Maria. At nahuli ito ni Greg.

"oy Sam nakita mo tumawa si Maria? First time yon! Ulitin mo naman yon Maria.. " alok ni Greg.
"talaga ba tumawa ka? --subukan mong ulitin. Babatukan kita. " inis na sabi ni Samuel.

Itinulak niya si Samuel na nakapatong sa likod niya kaya't nalaglag ito sa sahig.

Tumawa ulit si Maria nang bumagsak sa sahig si Samuel at dahil masama ang pagkakabagsak niya napunit ang slacks na suot ni Samuel. Ang punit ay simula sa puwetan hanggang harap.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon