Ikinagulat ni Greg ang maagang pagpunta ni Samuel sa mansyon ng Lola nito. Tulog pa nga ang asawa niyang si Maria nang iwan niya ito sa kama. Inakala niyang alas sais na ng umaga pero nang tumingin muli sa orasan ay alas kwatro pa lang ng madaling araw. Sumama ang mukha ni Greg dahil sa ganitong oras ay napasugod ang kaibigan niya.
Nasa malaking sala sina Samuel at ang Tito niya habang hinihintay si Greg. Napakunot noo si Greg nang makababa siya sa hagdan dahil sa kasama ni Samuel.
"Wow Samuel hanggang saan ka pa ba dadalhin ng pagiging weird mo? Alas kwatro pa lang oh.." yamot na sabi niya.
Maagap na napatayo ang dalawa.
"good morning bro! -- I'm sorry for disturbing you at this hour. But this is very important.. " bungad ni Samuel.
Dahil sa tono ng boses ng kaibigan alam niyang seryoso ang ipinunta nito. Napatingin siya sa kasama ni Samuel.
Saka ipinakilala niya ang kaniyang Tito.
"kasama ko pala ang Tito Boyet ko.. Siya yong ikinukuwento ko sa'yo. Tito Boyet siya si Greg, my bestfriend and husband of Maria. Greg, he's my Tito Boyet. " pagpapakilala ni Samuel sa kanila.
Agad na naalala ni Greg ang tungkol sa lalaki.
"your Tito Boyet.. Dr. Christopher Locsin. Yong matapang mong Tito.. Of course I remember him" hayag ni Greg.
Ngumiti si Boyet at nakipagkamay kay Greg.
"nice meeting you Dr. Greg Fuentebello. Ikaw pala ang napangasawa ni Maria.. " bati ni Boyet sa kaniya.
Bahagyang napangiti si Greg sa pagkakabanggit ng kaharap tungkol kay Maria.
"Did he knows Maria? -- paano niya nabanggit si Maria na para bang kilalang kilala niya ito? ." sa isip ni Greg.
Gayunpaman, nagpakita pa rin siya ng giliw.
"nice meeting you also Dr. Locsin.. Kagagaling ko lang sa parents ni Grace.. Ibig sabihin, pamangkin mo rin si Grace.. " sagot ni Greg.
Agad naman na nakilala ito ni Boyet.
"oo pamangkin ko rin siya. Si Samuel, si Grace at si Maria.. Your betterhalf. " kaswal na sagot ni Boyet.
Napakunot si Samuel sa bilis ng pagtatapat ng kaniyang Tito.
Inakala naman ni Greg na nabingi lamang siya kaya't nilinaw niya ito.
"yong asawa ko ba sir ang tinutukoy mong pamangkin mo rin?! " maagap na tanong ni Greg.
Mabilis na tumango si Boyet.
"Siya nga! "
Nakita ni Samuel ang hindi maipintang mukha ni Greg dahil sa malaking gulo sa isip niya. Kaya naman sumingit na si Samuel.
"Greg that's the reason why we're here. You have to know something about Maria and it's really personal. Kailangan na ikaw muna ang makaalam ng lahat. Can we talk in private place bro?" pakiusap ni Samuel.
Dinala agad sila ni Greg sa cafeteria ng grandma niya na hiwalay sa mansyon. Dito madalas nakikipag usap ang Lola niya kapag may mga kabusiness transactions kapag maaga. Ang dingding ng cafeteria ay gawa sa glass at automatic ang lahat ng mga gamit na naroon. Madalas tawagin ito ni Greg na 'millenial cafeteria'. Kusang nagbubukas ang pinto nito at nag iilaw kapag may taong paparating pa lang.
Pinindot ni Greg ang isang switch na nasa kanan ng pinto at unti unting bumaligtad ang sahig sa gitna at naglabas ng isang long table dine in set. Nagpunta si Greg sa maliit nitong kitchen at may pinindot muli saka gumana ang coffee maker na mula sa paglalagay ng tubig sa isang glass tube papunta sa isang lagayan pa na automatic na naglalabas ng purong butil ng kape.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...