Mabilis na sinagot ni Lionel ang tawag ni Greg nang makita ang numero nito.
"where are you Greg? Nagkalat ang balitang baka may kumidnap sa'yo o may pumatay na sa'yo? Bakit ngayon ka lang tumawag? Where are you for God's sake?!" hayag agad ni Lionel.
Kaswal na tumawa si Greg.
"You know what I've been through so stop asking about me.. it's you the one I'm worried about, bakit hindi ka makalabas sa kulungan? Where those people coming from na nagdedemanda sa'yo? Pati yong asawa ni Dad.. totoo ba yon?" kunwaring pag aalala ni Greg.
Natawa si Lionel.
"Malaki lang ang inggit ng Luis na yan sa akin.. Don't Tell me you're believing all these accusations to me?" aniya.
"I believe in you Ninong.. kaya nga ako tumawag, to rescue you. I'm going to send you money. Don't worry you'll free yourself there with bills of course. Money can buy, even justice.." hayag niya.
"You sounds like me already.. tamang tama kailangan ko talaga ng pera. When will you send money? I needed as soon as possible.." sagot ni Lionel.
"Tomorrow Ninong.. I'll send it to your Attorney. Just give me his number and I'll talk to him." diretsong tanong ni Greg.
Panalong ngiti ang ginawa ni Lionel.
"You're really a saviour 'nak. This time I owe you my life. Thank you for rescuing me." tuwang sabi nito.
Malungkot na ngiti ang naitugon ni Greg Dito.
Inalam muli ni Lionel kung nasaan si Greg pero tumanggi muli siya na sabihin kung nasaan siya."I know you're still single... You just grab your billions to your grandpa to have a fake marriage! Kaya wag mong dinadamdam na yong asawa mong si Maria! Kung mapamahal ka, I'm pretty sure it's not true love 'nak. Just enjoy your life for now!" hayag ni Lionel nang maalala ang ibinalita sa kaniya Nila William.
Napamaang si Greg. Hindi nito malaman kung anong isasagot. Nag alala siya sa kaniyang narinig.
"What you were just said Ninong?" pagtataka niya.
Humalakhak si Lionel habang napahiga sa kama Niya sa loob ng selda niya.
"Well walang kang record sa PSA that you're married.. ano bang ibig sahihin non? Malinaw na gumawa ka ng paraan para makuha ang Mana ng grandpa mo. Sabi ko na nga ba.. the way you just act on things were just like me. Gusto ko yang ganyan 'nak! Dapat laging tayo ang nanlalamang!" tuwang sabi ni Lionel.
Nagngalit ang mga ngipin ni Greg. Itiniklop ang kanang kamao. Nangusap sa sarili niya.
"No way.. hindi tayo pareha.. --tama si Cortez mukhang pina iimbestigahan na niya ako.."
Pero natuon ang isip niya sa walang nakitang record sa PSA ng tungkol sa kasal niya kay Maria.
Muling nagsalita si Lionel para alamin kung nasa linya pa niya si Greg.
"Pero hayaan mo 'nak.. yong asawa mong nagpanggap? Ipinapahanap ko sa buong Cebu. Sa tingin ko hindi pa yon nakakaalis dito. Lintik lang ang walang ganti.." aniya.
Ibinalik muli ni Greg ang pagiging kaswal niya sa kausap.
"Well I didn't get all my Mana yet from grandpa.. kasi wala na siya, kailangan pa Kasi naming magka anak. Isa sa mga kondisyon yon ni grandpa.." sagot ni Greg.
"Anak!?---- so yon ba ang ikinasasama ng loob mo? Kaya ka nagtatago somewhere? Greg if there's a will, there's always a way. Maghanap ka ngayon dyan ng bata at sabihing mong anak mo yan, e di tapos ang problema mo!" yang na sagot niya kay Greg.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...