Pagkatapos ng graduation ni Greg ay araw din ng kamatayan ni Don Quaquin. Kaya't nadagdagan ang pagdadalamhati nito.
Sa mga araw ng burol ng kaniyang Lolo ay hindi ito nagpakita. Pinili niyang mamalagi sa sementeryo sa puntod ng kaniyang ina.
Magdamag siyang nagpakalasing at sinisisi ang kaniyang ama sa pagkamatay ng kaniyang ina at Lolo.
Sumagi sa isip niya ang ilang mga alaala ng nakaraan.
Limang taong gulang pa lamang siya ay napapansin na niya ang malamig na pagtrato ng ama sa kaniyang ina.
Halos araw araw ay lagi niyang naririnig ang away ng dalawa sa kanilang kwarto.
Naririnig niya ang pagmamakaawa ng kaniyang ina na mahalin siya ng ama niya.
Pero hindi pinakikinggan ng ama niya ang lahat ng pagmamakaawa ng ina niya.
Nasa highschool na siya nang malaman niyang may babae ang kaniyang ama. Natutunan na rin nilang dalawang magkapatid na walang amang umaagapay sa kanila dahil lahat ng atensyon niya ay ninakaw na ng babaeng kabit nito.
Laging napupuyat silang magkapatid dahil sa kababantay sa kanilang ina para hindi na nito magawang magpakamatay pa nang paulit ulit.
Pero paulit ulit ding benabalewala ng kaniyang ama ang mga tangkang pagpapakamatay ng ina niya.
Humingi siya ng tulong sa kaniyang Lolo pero hindi rin ito umobra.
Nakaraan:
Nag alsa balutan ang kaniyang ama. nakaluhod ang kaniyang ina para pigilan ang ama niya."nagmamakaawa ako Luis.. Wag mo akong iwan.. Kami ng mga anak mo. " humahagulgol ito sa paanan ng asawa.
Itinulak siya ni Luis.
"alam mo ba ang salitang makaawa?! Wala kang karapatang hingin sa akin ang salitang yan! " sigaw ni Luis.Dumating si Don Quaquin nang gabing iyon.. Mabilis na yumakap si Greg dito at nakiusap na gumawa ng paraan para hindi umalis ang ama niya.
Sinampal niya ang anak na si Luis.
"you can't leave or else I will kill that woman." seryosong sabi ni Don Quaquin."kompleto ako ng lahat ng ilalaban ko sa'yo Dad. Mapatay mo man siya sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Idadamay ko na rin si mama at ng babaeng yan! " tukoy niya ang asawang walang humpay sa paghagulgol.
Matagal na nagpalitan ng matatalim na tingin ang ama at Lolo niya.
Hindi napigilang sumagot ni Greg.
" you're a demon Dad! "Tatangkain niyang sasampalin si Greg pero hindi itinuloy ito ni Luis.
"you know nothing here son.. I'm sorry.. But believe me I love you and your sister." paliwanag ni Luis.
Itinulak siya ni Greg nang makitang yayakapin siya nito.
Naglabas ng baril si Don Quaquin.
"you can't leave I said! " saka itinutok ang baril kay Luis.Tumigil si Luis sa paglakad, bumalik siya at lumapit sa ama.
Ipinuwesto ang ulo sa tapat ng baril na hawak ng ama.
"I--I'm dead along time ago.. You've already took my life. Kung sasaya ka na mawala na talaga ako sa mundo, Go ahead.." malungkot niyang sabi.Pumagitna si Aileen nang mga oras na iyon. Niyakap ang ama.
"Please stop it grandpa.. Please.. " makaawa nito.Hanggang sa ibinaba ni Don Quaquin ang baril niya.
Pero nagulat ang lahat nang mahablot ng kaniyang ina ang baril.
Agad niyang itinutok ito kay Luis.
"sa akin ka lang Luis, hindi ka aalis. Dito ka lang!" gigil na sigaw nito.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...