Kadena 73

27 4 0
                                    

Ginamot ni Maria ang paso sa mga paa ni Grace. Sinunod niya ang first aid na ipinayo ni Greg sa kaniya at tinulungan naman siya ni Delia. Si Greg ay hindi humarap kay Grace.
Nalaman din ni Donia Sonia kung anong nangyari kaya napaso ang dalawang paa ni Grace. At kasalukuyan niyang minamasdan ang dalawang babaeng nagmamahal ngayon sa kaisa isang apong lalaki na si Greg. Kaya naman kinuha na ito ng matanda na magandang pagkakataon para pangaralan ang dalawa.

"Mahal ninyo ang apo ko pero pinahihirapan nyo naman siya lalo na ang mga sarili ninyo? " pagsisimula ni Donya Sonia.

Kahit tumutulo ang luha ni Grace ay nakuha nito ang atensyon niya. Si Maria ay lagi naman nakahandang makinig sa mga nakatatanda sa kaniya.

Nagpatuloy ang matanda habang naupo sa sofa sa tabi ni Maria.

"pati sarili ninyo pinahihirapan ninyo. Kapag nagmamahal, nagpaparaya, nagtitiis at nakauunawa pero hindi dapat may pinahihirapang tao. Nakasasakal ang ganoon, hindi na pagmamahal ang tawag doon kundi pagiging makasarili. Ang pag ibig kailanman ay hindi sarili lang ang iniisip. Nasa tama ang pag ibig kung marunong tayong umunawa at tumanggap. Masakit pero nabubura yon ng tunay na nagmamahal. Hindi nagpapahirap ng damdamin ang totoong taong nagmamahal. " makabuluhang paliwanag ng matanda.
Pinunasan ni Grace ang luha niya at inuunawa ang mga narinig na salita sa matanda.
Humingi ng pasensya si Maria dahil hindi niya nasabi agad kay Greg na narito si Grace.
"pasensya ka na naging makasarili ako at hindi ko na inisip ang mararamdaman mo.. " pagpapakumbaba ni Maria.

Narinig naman ito ni Greg na pababa na ng hagdan.

Bumaling ng tingin si Grace kay Maria.

"a-ako dapat ang humingi ng pasensya.. Sarili ko lang din ang iniisip ko. " hayag naman ni Grace.

Natigil sa paghakbang si Greg pababa ng hagdan nang marinig ang sinabi ni Grace.
Napansin naman ni Donya Sonia na pababa na ng hagdan si Greg kaya't nagdesisyon na siyang iwan ang tatlo para makapag usap. Inihatid na siya ni Delia sa kwarto para makapagpahinga.

Lumapit si Greg sa dalawa. Sinabi niya kay Grace na ipapahatid na lamang siya nito sa kanilang driver.

Pumayag naman si Grace.

Humingi siya ng pasensya kay Greg.

"I told you Grace.. But you never listen to me.. Let's just be friends again. " diin muli ni Greg sa kaniya bago ito sumakay ng kotse.

Tumango lamang si Grace sa kaniya.
Nasa tabi ni Greg si Maria at minamasdan ang mga mata ni Grace.

"bakit ganon.. Para akong nakokonsensya sa nangyari? " sa isip ni Maria.

Hinatid na lamang nila Greg at Maria ng tingin si Grace habang nakasakay ito sa sasakyan.

Narinig ni Greg na tumunog na ang cellphone niya. Hinihintay niyang tawag ito mula sa resulta ng DNA test ni Jeziah.

Lumayo siya sa kinaroroonan ni Maria para hindi niya marinig ang tungkol sa kanilang anak.

"salamat sa napakabilis na resulta.. " sambit ni Greg.

Nagsalita ang kaibigan nito. Agad na napangiti si Greg sa magandang balita nito sa kaniya.

"Thank you.. I knew it already. Iba ang lukso ng dugo.. " hayag niya.

Napakunot noo si Maria sa di kalayuan. Ipinagatataka niya kung bakit kailangang lumayo ni Greg sa pagsagot ng tawag nito sa cellphone niya.

Ilang minuto, bumalik siya kay Maria na halatang halatang napakasaya nito.
Niyakap niya si Maria nang mahigpit.

"Bakit ka ba ganyan ngayon? " takang tanong ni Maria.

"masayang masaya lang ang asawa mo ngayong araw na ito.. " hayag nito sa kaniya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon