Sa apartment, padabog na inilapag ni Luis ang dalang basket na naglalaman ng pagkain.
Sinigurado niyang nailock niya ang pinto nang siya'y pumasok.
Nakita niyang tulog ang sadya niya kaya't kumuha siya ng isang basong tubig at ibinuhos sa mukha ng lalaki.
Nagulantang ito. Mabilis siyang pinagmumura nito at naghuhulagpos sa pagkakagapos nito.
Insultong tumawa si Luis."paano ko naman maririnig ang mga sinasabi mo e may busal ang bunganga mo? " asar niya sa lalaki.
Naghulagpos muli ang lalaki pero matibay ang kadenang nakapulupot sa mga kamay at paa niya.
"Alam mo kung ako lang si Lea, hindi na kita pag aaksayahan pa ng panahon para dalhan ng pagkain at inumin. Dapat sa'yo inilalagay sa swimming pool na may isandaang buwaya para unti unting kainin ang maitim mong laman.. Na kasing kulay ng maitim mong budhi hayop ka!! " gigil na sigaw ni Luis.
Kinuha niya ang laman ng basket. Tinanggal niya ang busal sa bibig ng lalaki.
"kapag ako nakatakas dito, mamamatay kayong lahat! " galit na sabi nito.
Isinubo ni Luis ang isang buong tinapay sa bunganga ng lalaki dahil sa inis nito. Isiniksik niya ang buong tinapay sa bunganga nito kaya't nabulunan ang lalaki at iniluwa ito.
Kumuha uli ng tinapay si Luis at puwersahang isinaksak sa bunganga ng lalaki.
"hayop ka! -- kainin mo yan! " galit na galit si Luis.
Mabilis niyang binuksan ang mineral water na nasa basket at pilit na ipinainom sa lalaki.
"napakayabang mo, wala ka na ngang magagawa sa sitwasyon mo ngayon. Walang kwenta!" muling sigaw niya.
Muli niyang ibinalik ang busal sa bibig.
Nagpupumiglas pa rin ang lalaki."pakawalan mo ako! " habol na sigaw ng lalaki.
Sinuntok ni Luis ito sa mukha.
"hanggat hindi ka nagsasalita hindi ka makakaalis dito! " banta ni Luis.
Kahit anong gawing pagpupumiglas ng lalaki ay hindi ito makawala.
Isinara ni Luis ang pinto at muling ini lock ito.
"kailangang magsalita na ang hayop na lalaking yan.. " sa loob loob niya.Tatlong buwan mula nang mahuli niya ang lalaking ito ay wala pa ring mahanap na pamilya at kamag anakan ito ayon sa kaniyang inupahang detective. Kaya't nahihirapan siyang paaminin ito kung sino ang kasabwat pa ni Jane sa ginawang pagpatay sa pamilya ni Lea.
Talagang matigas ang lalaki dahil kahit anong gawing pagpapahirap sa kaniya ay ayaw magsalita. Naniniwala si Luis na may kasabwat si Jane sa mga napakasamang balak niya para mapaghiwalay lang sila ni Lea.
"you're already dead Jane but I'll never stop revenging. Pagbabayarin ko ang lahat ng gumawa ng kasamaan kay Lea" kinuyom ni Luis ang mga kamay niya.
Naghihintay naman si Samuel na mailapag na ang ikatlong ulam na natutunan iluto ni Maria mula sa pagtuturo ni Manang Delia.
Matapos masandok ni Manang Delia ang mga gulay ng kare kare sa bowl na dadalhin ni Maria ay mabilis na nailapag ito ni Maria sa hapag.
Tuwang tuwa naman si Samuel sa paraang ito dahil palagi siyang 'special treatment' ng dalawa sa condo ni Greg.
"Wow mukhang masarap na naman to ha? Ngayon ko lang naramdamang anak din pala ako ng swerte. " masayang sabi niya habang sinasandok ang ulam.
Hinihintay ng dalawa ang reaksyon ni Samuel kapag natikman na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...