Kadena 45

50 5 0
                                    

Matapos niyang maihatid si Greg ay dumiretso si Samuel sa clinic ni Aileen. Alas 7:00 na ng gabi nang makarating at mabuti na lamang at hindi pa ito umuuwi. Gusto niyang sorpresahin si Aileen kaya't hindi na siya kumatok sa pinto ng opisina nito.

Pero nagtaka siya nang nakatulala si Aileen. Nakatingin lamang ito sa kawalan at kahit na nga pumasok na si Samuel ay hindi pa rin natitinag si Aileen.

"anong iniisip niya?? " sa isip ni Samuel.

Nagpabalik balik ang kanang kamay niya sa harap ng mukha ni Aileen pero tulala pa rin siya. Kaya't nag isip siya ng ibang paraan.

Maya maya nga ay Sumagi na sa isip niya ang nadownload niyang mga videos na nirequest ni Greg sa kaniya kanina.

"alam ko na gagawin ko na lang yong napanood ko.. " sa loob loob niya.

Kaya naman lumapit siya nang husto sa dalaga at humalik sa labi ng kaharap. Nakawala si Aileen sa pagkatulala nang maramdamang may dumampi sa kaniyang labi. Tumambad nga sa kaniyang harap si Samuel. Sa gulat niya sinampal niya nang ubod lakas si Samuel..

Mabilis na inilabas ni Aileen ang kutsilyo niya sa drawer niya at itinutok kay Samuel.

"wag kang lumapit sa akin.. Manyakis kang hayop ka! " sambit niya.

Hinaplos haplos ni Samuel ang kaliwang pisngi niya dahil pakiramdam niya naghiwalay ang panga niya at ang ngipin niya.

"grabe naman Aileen napakasakit naman ng sampal mong yon? --nag aalala lang naman ako kasi nakatulala ka. Ni hindi mo nga ako napansing pumasok sa opisina mo kaya ginawa ko yon." paliwanag niya.

Naiinis pa rin ang kaharap.

"pumasok ka ng hindi ka kumakatok?? Tapos bigla mo akong hinalikan? --alam ko na, may masama kang balak sa akin ano? --binabalaan kita Samuel, magkakamatayan tayo ngayon rito! " matapang na sabi ni Aileen.

Lumayo si Samuel sa takot.

"mali yang iniisip mo sa akin ha, bakit ko naman gagawin yon sa babaeng mahal ko? " di nito sadyang pag amin.

Nahinto si Aileen at nagtaka sa narinig.

"anong sabi mo?? " bumaba na ang boses niya.

"sabi ko mahal kita.. Hinding hindi kita kayang saktan.. " pag amin pa niya.

Napaupo si Aileen.

"you're insane like Greg! What do you think of me? Easy to get?  Na isang halik mo lang makukuha mo na agad? Nagpapatawa ka. " nagseryoso si Aileen.

Nang makitang humupa na ang galit nito ay umupo na siya sa visitor's seat at kaharap na niya muli ito.

"sorry I'm just worried about you.. Ano ba kasing iniisip mo?? " pag aalala niya.

"wala kang paki. You're not my boyfriend to know what's happening to me.. " masungit na paalala niya.

Naglambing si Samuel.

"kaya nga ako nanliligaw di ba?? Almost a month na rin.."

Napailing si Aileen.

"Samuel I'm still on the stage of moving on. And in the first place, I reminded you that I'm not yet ready to commit into another relationship.. So stop courting me. " paliwanag niya.

Bumawi rin ang kausap.

"and I told you also how many times that I'm willing to wait. I'm serious about you, I'm so honest with my feelings to you. " seryosong sabi niya.

Humugot ng hinga si Aileen.

"bahala ka na nga, ang kulit mo. Pareha kayo ni Greg. Napakatigas ng ulo. " nasambit na lamang ito nang makitang pursigido ang kausap.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon