Kadena 17

92 10 0
                                    

Kadena_de_Amor
#17thpost
Sa kwarto niya, katatapos lang niya tawagan ang journalist na kilala nito para mailathala na sa dyaryo at magazine ang mga ginagawa niyang medical missions para malaman ng mga magulang ni Grace na mayroon siyang puso sa mahihirap gaya ng mga ginagawa ng mga ito.

Ipinaalam niya agad ito kay Grace. Sinisigurado niyang  sumusunod siya sa plano nila.
Nitong nakaraang taon napansin niyang naging madalang ang pag uusap nila ni Grace.

Nagtitiwala siyang dala lang ito ng pagiging busy ni Grace sa ginagawa nitong dissertation ngayon.

Kinuha niya ang personal wallet niya na nasa drawer nito sa kanan ng kama niya. Tiningnan ang solong picture ni Grace na nakalagay doon. Matagal niyang tinitigan ito, ang mga mata ni Grace, ang ilong at bibig. Hinaplos niya ang labi ni Grace..

Nagbalik ang alaala ng babaeng nakapagpagaan ng damdamin niya.

Matapos na mamasahe ng babae ang mga kamay at likod niya. Hindi maiwasan ni Greg na hawakan ang mahabang buhok nito, saka isinunod niyang hinaplos ang mga mata ng babae na basa ng luha at may makapal at mahabang pilikmata, dahan dahan rin niyang ibinaba ang haplos sa ilong, matangos ito at ang bibig nitong napakalambot..

"wag kang umiyak, gusto ko sana na magtiwala ka sa akin ngayong gabi.." sambit ni Greg.

Muli niyang hinaplos ang labi nito. Binalikan niyang haplusin ito dahil sobrang naakit siya rito. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa babae. Kahit hindi niya makita ang mukha ng babae dahil madilim ang kwarto, alam niya sa isip niyang napakaganda niya.

Hindi na nga niya napigilan ang sarili, hinalikan na ni Greg ang nakaaakit na labi ng babae.

Matagal niyang hinalikan ang babae.. Kahit lasing na lasing siya nang gabing yon, matino ang isip niya.

Sunod sunod na katok ang nagbalik sa kaniya sa kasalukuyan.

"Greg, nandito yong kaibigan mong baliw.. " sabi ni Aileen.

Nagtaka si Greg kung bakit naririto si Samuel.
Binuksan niya ang pinto.

"andoon sa sala.. " bungad agad na sabi ni Aileen.

Mabilis na bumaba ng hagdan si Greg.

Nang makarating sa sala, agad niyang pinangdilatan ito ng mata.

"bakit nandito ka? " sabi niya.

Kumindat si Samuel. Inginuso ang dalawang katulong na naglalakad papunta sa kitchen room. Napansin niyang may dalang mga gulay at rekados.

"ano yon?? Bakit ka ba nandito?" inis na tanong ni Greg.

Bumababa ng hagdan si Aileen at siya na ang sumagot.

"peace offering niya. 3rd wedding anniversary ni Dad at ni Tita Lea ngayon. Tita Lea asked me to cook food for a simple celebration this coming dinner. Tutulungan niya akong magluto as his peace offering niya.. "

Inis na napatingin si Greg sa katabi nito.
"anong peace offering? ---anong ginawa niya sa'yo?"

Napakamot sa ulo si Samuel.

"m-may kasalanan ako.. " pag amin niya.

Bumulong si Greg.
"bwisit ka alam mong nasusuka ako sa mukha ng babaeng yon. Tapos heto ka? -magluluto ka sa wedding anniversary nila. Ano bang pumasok sa kokote mo bakit humantong ka sa ganito?"

Nang makarating si Aileen sa harap ng dalawa sinampal niya si Samuel.

Nagulat si Greg sa ginawa ni Aileen.

"hinalikan niya ako. Hinalikan ako ng baliw na yan! " galit na sabi ni Aileen.

Sinuntok ni Greg ang kaibigan nang marinig ito.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon