Kadena 63

49 5 0
                                        

Matagal na nakasandal si Maria sa kaliwang balikat ni Greg. Magkahawak kamay ang kanang kamay ni Maria at kaliwang kamay ni Greg. Nakatingin si Greg sa malawak na tanawin ng likod mansyon.

Nang sulyapan siya ni Greg ay nakatulog na siya. Hinaplos ni Greg ang kamay ni Maria.

"noong una kitang makita sabi ko kaya kong lagyan ng kulay ang mga mata mo, gagawin kitang kasintapang ko at pagagalingin ko ang sugat sa puso mo.. " sambit ni Greg

Muli siyang tumingin sa kawalan at itinuloy ang sasabihin.

"but it looks like I failed you.. " malungkot na hayag ni Greg.

Minasdan niya ang mga kamay ni Maria na may benda. Naglaro sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya nina Aileen at ni Samuel.

"then never kiss her again! " boses ni Aileen.

"be gentle with her, don't force her in bed, or shout at her, or hurt her or even makes her uncomfortable." boses ni Samuel.

Saka niya narinig ang mga boses ni Maria.

"Greg pigilan mo ang nararamdaman mo sa akin. "

"wag mo akong mahalin.. "

"Greg paano kung may nalaman ka sa akin tapos hindi mo iyon kayang tanggapin, mamahalin mo pa kaya ako?? "

"Greg sinabi ko na sa'yo, wag mo akong mahalin, hindi ko kayang ibigay sa'yo ang mga gusto mo.. "

Napailing at napapikit si Greg para makawala sa mga boses nilang tatlo.

Nasapo ni Greg ang mukha niya ng kaniyang kaliwang kamay saka tinakpan ang bibig at nagpangalumbaba na para bang malalim ang iniisip.

"I think I have to do something.. " sambit ni Greg.

Kinontak nito ang binabayaran nitong sumusunod kay Lea. At nang tinanggap nito ang tawag niya. Inutusan niya ito agad.

"May iba akong ipapatrabaho sa'yo. I'll send you the details later. I'm going to send you in Sulu this week.." utos niya.

Makalipas ang ilang minuto, ibinaba na ni Greg ang tawag.

Saka naman dumating si Aileen sa mansyon.
Binuhat niya si Maria para ihiga sa kama. Ikinagulat naman ni Aileen ang ibinalitang ito ng kapatid niya sa nangyari kay Maria ngayong umaga.

Nag alala agad si Aileen.

"may ginawa ka Greg? " diretsang tanong niya sa kapatid.

Umiling si Greg.

"pwede bang ako naman ang magtanong?? Bakit mo nga pala siya hihiramin sa akin tuwing Martes at Huwebes?" interesadong tanong ni Greg.

Hindi agad nakasagot si Aileen. Ilang minuto pa bago siya nakabuo ng sasabihin.

"dahil gusto ko pa siyang makilala.. Bakit mo ba tinatanong yan?? " bawing tanong ni Aileen.

Napangisi si Greg matapos niyang pag aralan ang ikinilos at isinagot ng kapatid saka nagkibit balikat.

"wala lang.. "

Naupo si Aileen sa tabi ng kama at marahang dinampi ang mga kamay ni Maria na may benda.

Muli namang nagtanong si Greg.

"So Tell me what I can do this time for Maria? "
Seryosong napatingin si Aileen sa kapatid.

"what you did was right! Just comfort her and love her as your wife. " paliwanag niya.

Ngumiti si Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon