Kadena 84

35 4 1
                                    

Malalakas ang kabog ng dibdib ni Greg habang nililinaw ni Editha sa kaniya ang lahat. Hindi siya makapaniwala sa mga natuklasan niya tungkol sa tunay niyang pagkatao. Pinipigilang lumuha sa harap ng mga bihag niya.

Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ni Editha.

"hanggang sa huli pinakiusapan ko si Jane na itigil na ang paghihiganti niya at pagpaparusa kay Lea pero saradong sarado ang tenga niya. Wala siyang ibang pinakikinggan kundi ang galit sa puso niya. Kaya naman sa napakaraming taong naging bihag nila si Lea ay hindi ko na matiis ang pagmamakaawa sa akin nito na tulungan siyang makalaya. Isa pa, sobra na akong nakokonsensya. Araw araw lagi niyang hinahanap ang anak nito. Sabi pa niya, kailangan niyang mabuhay para mahanap ang anak niya. Isa rin akong babae at may anak kaya di ko na nakayanan na tingnan lang siya. Isang araw, pinainom ko ng pampatulog ang mga tauhan nila. Tinulungan ko siyang makatakas.. Hindi ako pinaghinalaan ni Jane at ng boss ni Lakay dahil nagpaalam ako na umuwi sa anak ko ng araw na iyon. Pero ang totoo plinano ko ang lahat iyon para mapakawalan siya. " mahabang salaysay ni Editha.

Gustong gustong  niyang humiyaw sa galit pero kinokontrol ang sarili.

"Bakit parang ang mommy ko ang lumalabas na masama rito?? Napakabait ng mommy ko kaya imposibleng kaya niyang gawin ang mga yan.. " tanggol niya kay Jane.

Pero hindi ito sinang ayunan ni Rodolfo.

"ibig mong sabihin hindi ka naniniwala sa sinasabi ng Nanay ko? Samantalang napakaraming isinakripisyo ang Nanay ko para lang sundin ang walanghiyang babaeng yon. Ginamit niya kaming dalawa sa kasamaan niya. Akala namin gusto niyang bumawi sa amin ng Nanay ko sa hindi pagtulong sa amin ng iisa naming ama sa mahabang panahon na pag abandona sa amin pero ginawa niya kaming kriminal na rin. Sinamantala niya ang sobrang hirap ng pamilya namin. Sinigurado niyang kakagat kami sa gusto niya dahil wala na kaming ibang lalapitan para masolusyunan ang mga sunod sunod naming problema. Pati ang itsura ng Nanay ko binago niya para lamang mailigtas niya ang sarili niya sa krimen at matinding kasalanan niya. " gigil na paliwanag nito kay Greg.

Nainis siya sa pagsagot ni Rodolfo.
"hinihingi ko ba ang opinyon mo?! " itinutok niya ang baril kay Rodolfo.

Napasigaw si Editha.
"wag!! Maawa ka! "

Pero nagmatigas pa rin ito.
"gusto mong malaman ang pagkatao mo hindi ba? Pati ang buong katotohanan? E bakit ngayong sinasabi na namin sa'yo ang lahat, nagagalit ka pa?! --siguro hindi mo matanggap na ang kinilala mong ina na si Jane ay ubod nang sama. Nagpapatotoo na kami sa harapan mo pero nagbubulagbulagan ka! " sigaw rin ni Rodolfo.

Pinigilan siya ni Editha na huwag ng sumagot.
Parang sasabog ang puso ni Greg sa ipinamumukha ni Rodolfo sa kaniya.

Hindi naman din nakatiis si Lakay kaya nagsalita na rin siya.

"Totoo lahat ang mga sinabi nila. Si Ma'am Jane ang tinutukoy kong ikalawang boss namin. Ipinag utos niya na patayin namin ang pamilya ni Lea pero kailangang madala namin ng buhay si Lea para iregalo sa bossing ng grupo namin. Pero pinahirapan niya nang husto ang kaawa awang babaeng iyon.. Ipinabugbog niya at nilatigo ang buong katawan nito bago ibigay kay bossing. At sa loob ng maraming araw, buwan at taon. Nagpabalik balik sa kaniya ang manyakis naming bossing para gahasain siya nang paulit ulit. Kaya nga nong nagising kami na nakatakas na ito, may tuwa akong itinago sa puso ko dahil natapos na ang paghihirap niya.. " kuwento nito.

Nangilid na ang luha ni Greg. Nakaramdam siya ng sobrang lungkot para kay Lea at sa tiniis na paghihirap nito.. Nanginginig ang panga nito dahil pinipigilan ang sariling magwala.

Napansin ito ni Editha.

"isa pa, plinano talaga ni Jane na magbuntis si Lea dahil gusto niyang ipalabas sa asawa nitong Luis na magkaka anak sila. Pinaniwala niyang anak ka ni Luis para panindigan pa siya nito. Hindi lang iyon, malinaw na malinaw sa akin ang mga binitawan niyang salita na aalagaan ka niya at palalakihin ka niyang walang ibang susundin kundi siya. At sisiguraduhin niyang magagamit ka niya para pahirapan lalo ang buhay ni Lea at Luis kahit pa mawala na siya sa mundo. " pagtatapat nito.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon