Kadena 104

33 3 0
                                    

Isinaksak ni Mitch ang USB microchip sa player. Kinuha nito ang remote control. Inuna niyang panoorin ang folder ng mga video.
Inihanda nito ang sarili sa anumang mapapanood niya. Binuksan nito ang kaniyang cellphone at ini-on ang video nito para makapagback up copy siya ng mga video.

Ipinuwesto niya ng maayos ang cellphone nito. Mabuti na lamang at fully charged pa ito.
Naupo siya at nanood.

Mabilis na tumulo ang mga luha ni Maria nang makita kung paano siya titigan ni Greg. Walang kahit ni Isang salitang binitawan si Maria sa kaniya.

Hindi rin alam ni Greg kung bakit hindi na niya maihakbang ang mga paa Niya para lumapit at yumakap sa asawa. Pero may kapiraso itong tuwang nararamdaman dahil ligtas si Maria.

Isang pulis ang lumapit sa kinaroroonan nila para iabot ang Isang transparent plastic bag.

"Excuse me Sir and Ma'am.. ito nga Po pala yong mga damit ni Ma'am. Nakita Po yan sa loob ng kwarto kung saan nagkaroon ng putukan. Sabi ni Chief pwede ko na maisuli ito kay Ma'am.. katatapos lang ang imbestigasyon sa taas.. " paliwanag nito.

Napatitig si Greg sa laman ng transparent plastic. Mga damit at underwear ni Maria. Gusto niyang magwala dahil sa galit na nasa sa loob niya.

Hinablot agad ito ni Maria. Hindi siya makatingin ng diretso kay Greg.

Napansin ni Luis na mukhang may problema sa dalawa kaya lumapit siya.

"Mabuti anak nakarating ka kaagad.." saka Niya tinapik ang kanang balikat ni Greg.

Ngumiti nang bahagya si Greg kay Luis.

"May kailangan pa ba ang mga pulis kay Maria, Dad?" tanong na lamang ni Greg.

Napayakap si Maria sa sarili. Pinipilit niyang alalahanin ang mga nangyari sa kanila ni Joel matapos makaramdam ito ng hilo. Magulong magulong pa ang isip niya ngayon, wala siyang ideya kung bakit ganito na lamang ang nasaksihan Niya sa paggising niya.

Saglit siyang napatitig kay Greg dahil sa mga oras na Ito wala na siyang Ibang gustong mangyari pa kundi ang mayakap at mahagkan siya ni Greg. Hinahanap Niya ang init ng yakap at halik nito sa kaniya. Pero hindi Niya nararamdamang ganoon din ang nais ni Greg ngayon.

Binawi niya ang tingin kay Greg nang masulyapan siya nito. Hindi na Niya kayang tingnan pa ang napakalamig na tingin ni Greg sa kaniya.

Sumagot si Luis sa tanong ni Greg.

"Positive nga na kidnapping ang nangyari. Nasa ospital sina Samuel at Joel. Pareha silang may Tama ng baril. Malaking ebidensya na ang nakuhanan ng CCTV sa restaurant kaya sinugod na agad ng mga pulis ang lugar na to..-- Kailangan pa na makuhanan ng statement si Maria. But she needs a little time for that. I know that she's in trouble remembering what happened to her. Inilabas siya ni Dr. Samuel sa kwarto nang tulog. Hindi siya nagigising kahit pa may nagbabarilan na sa kwarto. At tama naman siya, sinabi niya na gigising din si Maria.." paliwanag ni Luis.

Marahang napatango si Greg. Minasdan niya muli si Maria na pinupunasan ang mga luha niya. May awa siyang naramdaman pero mas nananaig pa rin ang Galit nito ngayon.

"Hmm Miss Nurse painumin mo na muna ang pasyente ng tubig please.. baka madehydrate siya dahil sa tagal ng pagkakatulog niya sa kwartong yon" pakiusap ni Greg.

May halong pang iinsulto ang sinasabi nito..
Nangilid muli ang mga luha ni Maria. Nag alala rin siya kina Samuel at Joel nang marinig na may parehas silang may Tama ng baril.

Hanggang ngayon hindi malinaw sa isip Niya kung itinuloy ni Joel ang pag angkin nito sa kaniya. Natatakot siya na kapag maalala niya ang Lahat ay lalong wala na siyang mukhang ihaharap pa kay Greg. Sa mga oras na Ito, kailangan niya ang yakap ni Greg para siya tumahan.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon