Kadena 79

35 4 0
                                    

Kitang kita ni Aileen ang katotohanan sa mga mata ni Greg.

"There's nothing wrong if you knew the truth already. In fact it's a good thing to know it from you as her husband. So tell me how do you feel about it? Nabawasan ba ang pag ibig mo sa kaniya?" tanong ni Aileen.

Ngumisi si Greg.

"how about you?  Why you didn't tell to me about it in an early as you could? Ito ba yong isinisekreto mo sa akin tungkol kay Maria? " yamot na depensa ni Greg.

Napakunot noo si Aileen.

"Hoy Greg you know what is our duty as a Doctor.. It's all about confidentiality. Gustuhin ko man sabihin, hindi pwede! Isa pa, I'm afraid of what will you feel if I'll be honest with you.. Kaya nga kita tinatanong di ba?? Kapag sinabi ko sa'yo  yon o nalaman mo, paano na si Maria? She's doing the therapy so well because she loves you so much. " paliwanag nito.

Marahang tumango si Greg.

"I see.. You don't know how happy I'am when I found out about her son. Hindi nabawasan ang pag ibig ko sa kaniya. It makes everything so perfect in my life now Aileen eversince I had her and knowing about her baby. Kaya nga mahal na mahal ko na ang babaeng pasyente mo ngayon. So please, pagalinging mo na ang Mahal ko. So that we can live happy ever after." masayang sagot ni Greg.

Hindi pa rin nawawala ang pagtataka ni Aileen.

"So you're happy and not even affected by that?? Wow! Only true love can make it!? I'm so happy for that Greg. You've really grown up. " hayag ni Aileen.

Tiningnan siya ni Greg.

"nasaan daw yong bata? Ipinahahanap mo ba siya?  Ikaw ba ang nagbigay ng address na nasa kapirasong papel na hawak niya kagabi?" usisa ni Greg.

" I told you a while ago.. I know nothing about you're asking.. Ipinahahanap ko kay Samuel ang bata. " sagot ni Aileen.

"Kay Samuel?? Galingan niya kamo ang paghahanap kundi lagot siya sa akin. " biro niya.

Napaisip si Greg kung kanino galing ang kapirasong papel na yon..

"so it's not from Aileen or even Samuel? " sa isip niya.

Ibinalik niya muli ang hinala kay Joel.

"pero para saan ang address na yon? " bulong niya sa sarili.

"anong sabi mo? " tanong ni Aileen.

Ngumiti lang ang kausap habang minasdan muli si Maria na nakikipaglaro sa mga bata.

Sumunod din si Aileen, napangiti muli nang mapagtantong tinanggap ito ni Greg nang buong puso niya.

"Greg I think it's time for you to accept Tita Lea.. Kung nagawa mong tanggapin ang anak ni Maria.. You will learn also to accept her.. " seryosong sambit ni Aileen.

Nag iba ang timpla ng pakiramdam niya.

"Aileen, stop mentioning Lea here. Magkaibang kaso kami non. So don't tell me that I can also accept that woman just what I accepted Maria's son. " tanggi nito.

Nakita niyang kumaway si Maria sa kaniya. Kumaway rin siya at kumindat kay Maria. Kinilig ang mga batang nakauunawa ng lambingan nilang dalawa.

Hanggang sa nauwi sa tuksuhan ang ginawang pag-flying kiss ni Greg kay Maria.

"hay naku Greg.. Mabuti pa mag-lunch na tayo.." yaya ni Aileen habang tinatawanan ang mga batang panay pa rin ang pagtukso kay Maria at Greg.

Umingay na ang mga bata kaya't hinaltak na siya ni Aileen para maisara ang pinto ng auditorium ng bahay ampunan.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon